Mga Awiting Bayan - isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino. Ito ay may lalabindalawahing (12) pantig.
1. An-anoy - inaawit habang ang mga magsasaka ay nagtatrabaho sa bukirin
2. Ayoweng - inaawit sa pagkabyaw ng tubo
3. Daeleng - awit sa mga pyesta at pagdiriwang
4. Dalit (Himno) - awit sa pagpuri o pagsamba
5. Danyo - awit sa pagsamba o pananampalataya
6. Diona - awit sa panliligaw o kasalan
7. Dung-aw - awit na nagpapahayag ng kalungkutan o pagdurusa
8. Hinilaw at Panambat - mga awit sa pag-iinuman
9. Indonalin at Kutang - awiting panlansangan
10. Kumintang - ito ay awit noon sa pakikipagdigma ngunit ng lumaon ay naging sayaw at awit sa pag-ibig
11. Kundiman at Balitaw - awit sa pag-ibig
12. Maluway - awit sa sama-samang paggawa
13. Mayaka - awit na panggabi ng mga Igorot14. Oyayi - awit sa pagpapatulog ng bata o paghehele sa sanggol15. Panilan - inaawit sa pagkuha ng bahay-pukyutan16. Papag - inaawit sa tuwing bayuhan ng palay17 Salagintok - awit sa pakikipagsapalaran18. Sambotani - awit sa tagumpay19. Umbay - awit sa paglilibing
Mga Epiko - nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga di pangkaraniwan o mga kababalaghan
✔ Epiko ng mga Ifugao
Alim - pinakamatandang epiko sa Pilipinas na kahawig ng Ramayana ng India. Nagpakasal ang magkapatid na Bugan at WiganHudhud- pakikipagsapalaran ni Aliguyan ng Gomhandam
✔ Epiko ng Muslim
Bidasari - pinagmalupitan ang dalagang si Bidasari; patay kung araw at buhay kung gabi.Bantugan - isang prinsepe na ubod ng tapang at lakas, namatay at muling nabuhayIdarapatra at Sulayman - itinuturing na alamat ng Mindanao; namatay si Sulayman at muling nabuhay
✔ Epiko ng Tagalog
Kumintang - kasayasayan ng pagsusugo ng hari sa kanyang tatlong anak na sina Bagtas, Mandukit at Dikyaw.
✔ Epiko ng mga Bisaya
Hinilawod - kasaysayan ng pag-iibigan ng mga Bathala ng mga taga-Iloilo at Aklan at pinakamatandang epiko ng PanayLagda - kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaanMaragtas - kasaysayan ng mga nagsitakas na sampung atung Malay dahil sa kalupitan ng sultan ng Borneo.
✔ Epiko ng mga Cebuano
Ibalon at Aslon - hulwaran ng mabuting pamumuhay ng mga taga-Bikol
✔ Epiko ng Ilokano
Biag ni Lam-Ang - buhay ni Lam-Ang; ito ay akda ni Pedro Bukaneg. Pinakasikat na epiko ng mga Ilokano.
Kuwentong Bayan - madalas mangyari sa loob at labas ng ating lugar
Kuwentong Bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na
pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng
guniguning di kapanipaniwala.
Halimbawa: Si Bulan at Si Adlaw
Ang Alamat - isang uri ng panitikang tuluyan na ang karanniwang paksa ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan o katawagan
Halimbawa: Ang Alamat ng Pinya; Ang Alamat ng Saging
Kantahing Bayan - nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga Pilipino.
Halimbawa: Pamulinawen - (Iloko)
Sarong Banggi - (Bikol)
Salawikain - ito ay nakaugaliang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno
Halimbawa: Hamak man ang basahan, may panahong ito ay kailangan.
Sawikain - kasabihang walang natatagong kahulugan
Halimbawa: Ang tunay na kaibigan sa gipit nasusubukan.
Bugtong - binubuo ng isa o dalawang taludtod, maikli at may sukat o tugma. May kinalaman sa isang bagay kailangan ito pagisipan upang malaman ang kahulugan.
Halimbawa: Dalawang batong itim, Malayo ang nararating (Mata)
Palaisipan - noon pa man ay may matatawag ng palaisipan ang ating mga ninuno.
Halimbawa: May isang bola sa isang mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola nang di nagalaw ang sumbrero.
Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero
Bulong- isang panalanging binuhay upang makamtan o upang mabago ang mangyayari sa hinaharap.
Halimbawa: Supla balis, supla gahoy
Kahulugan: Karaniwan sinasabi o ipinapahayag sa mga bata upang hindi malapitan ng negatibong enerhiya o iiwas sa mga sakit.
Kasabihan - karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa: Putak, putak batang duwag; Matapang ka't nasa pugad.
Kawikaan - ito ay kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay nagtataglay ito ng aral sa buhay.
Halimbawa: Pag talagang palad, sasampa sa balikat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento