Lunes, Setyembre 12, 2022

WASTONG GAMIT NG MGA SALITA


    Maraming salita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit at kadalasang nagkakamali ang sumusulat sa mismong salitang gagamitin. Ito ay bunga ng kakulangan sa pag-unawa at kaalaman sa angkop na salita at tamang balarila sa loob ng pangungusap.

Narito ang pagkakaiba ng mga salitang namamali ng gamit;

Ginagamit ang Ng bilang:
a. Ginagamit kung ang susunod na salita ay pangngalan. (of sa Ingles)            Halimbawa:
Ang bata ay bumili ng kendi - pangngalan( tuwirang layon)                           Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso tuwing Pebrero.

b. Nagsisilbing pang-angkop sa pagitan ng 2 salita kung sinusundan ng salita na nagtatapos sa patinig at sinusundan ng salitang pangngalan at iba pang bahagi ng pananalita maliban sa pandiwa.
Halimbawa:
Ang matandang babae (babae- pangngalan).
Ang lolang mabait (mabait- pang-uri)

c. Pang-ukol ng layon ng pandiwa                                                                 Halimbawa: Nagdilig siya ng mga halaman bago mago maglaro sa labas.

d. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa                                                   Halimbawa: Pinagalitan ng guro ang nagiingay na estudyante.

1. NG AT NANG
Gamit ang Nang bilang;
a. Ginagamit bilang panimula ng pangungusap.
Halimbawa: Nang makapagtapos at nakanap ng trabaho si Ken ay gumanda ang kanilang buhay.

b. Sinasagot ang tanong kung paano nagawa ang isang bagay.
halimbawa: Si Ken ay natutulog nang pabaluktot kapag malamig ang panahon.

c. Gamit sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa: Si Ken ay nakahanap ng maayos na trabaho nang makapagtapos siya ng pag-aaral.

d. Ginagamit kapag napapagitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa
Halimbawa: Luto nang luto ang kanyang nanay ng dumating ang mga bisita nito.

2. DAW/ RAW, DIN/ RIN, DOON/ ROON, DITO/ RITO
a. Ginagamit ang daw, din, doon, dito kapag ang salita kasunoay nagtatapos sa katinig
Halimbawa: May sayawan daw pagkatapos ng kasalan.

b. Ang raw, rin, roon, rito ay ginagamit kapag ang susunod na salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y.
Halimbawa:
Sasayaw raw mamaya si Jessica.
Sasama rin siya mamaya sa sayawang gaganapin.

3. KONG AT KUNG 
Halos magkasintunog ngunit may magkaibang tungkuling gampanin sa loob ng pangungusap
a. Kong- Ginagamit kung nagsasaad ng pag-aari o panghalip panao sa kaukulang paari
Halimbawa: Gusto kong bumili ng maraming aklat.

b. Kung (if sa Ingles)- bilang pangatnig na pasubali o sa diwa ng pangungusap at nagsasaad ng pag-aalinlangan o pasubali. Ginagamit din bilang hugnayan sa pangungusap
Halimbawa
Makakaipon ka ng pera kung magtitipid ka.
Maiiwasan ang pagbaha  kung magiging disiplinado ang tao sa pagtatapon ng mga basura.
 
4.KUNG DI AT KUNDI
a. Kung di- galing sa salitang"kung hindi"(if not)
Halimbawa: Makakabili na sana ako ng aklat kung di mo inutang ang pera ko.
b. Kundi- (except sa Ingles)
Halimbawa: Walang sinuman ang dapat sisihin kundi ikaw lamang. 

5. TAGA AT TIGA
Walang unlaping tiga-, Taga- ang tamang gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga- kung sinusundan ng pangngalang pangatnig.
Halimbawa:
Ako ay taga-Mindoro.
Taganayon ang naglalako ng paninda kanina.































Walang komento: