Abo ang laman ng ulo |
Walang nalalaman |
Alimuom |
Tsismis |
Anak-pawis |
Mahirap |
Babaha ng dugo |
Malaking gulo |
Bahag ang buntot |
Takot |
Balat sibuyas |
Maramdamin |
Basa ang papel |
Masama ang Record |
Basang sisiw |
Kawawa |
Batak ang katawan |
Malakas |
Bilugin ang ulo |
Lukohin |
Bukang Bibig |
Madalas banggitin |
Bukas na aklat |
Alam ng lahat |
Biniyak na bunga |
Magkamukha |
Bugtong na anak |
Kaisa-isang anak |
Buhatin ang sariling bangko |
Purihin ang sarili |
Bulaklak ang dila |
Pangungusap na mataimtim |
Buo ang loob |
Malakas ang loob |
Kalamayin ang sarili |
Ipanatag ang isip |
Kinakalawang na |
Laos na |
Kinukulili ang tainga |
Pagkayamot sa sinsabi |
Kisap-mata |
Sandali |
Kumukulo ang dugo |
Nagagalit |
Kusang-palo |
Kusang paggawa |
Kutong lupa |
Maliit na tao |
Di makabasag-pinggan |
Napakabait |
di maliparang uwak |
Napakalawak na lupa |
Gasgas ang bulsa |
Malaki ang gastos |
Halang ang bituka |
Walang takot na mamatay |
Hampas ng langit |
Parusa ng Diyos |
Hampas Lupa |
Dukha o palaboy |
Hindi gawang biro |
Lubhang mahirap |
Hulog ng langit |
Kapalaran o swerte |
Humahalik sa yakap |
Sumasamba |
Hunos-dili |
Pagpipigil sa sarili |
Igagapang |
Itataguyod |
Ihatid sa dambana |
Pakasalan |
Ililibing sa limot |
Kalimutan |
Ilista sa tubig |
Utang na hindi nabayaran |
Isang bakol na mukha |
nakasimangot |
Isang kahig, isang tuka |
Ang sweldo ay husto lamang para sa isang kainan |
Linggo, Setyembre 18, 2022
MGA HALIMBAWA NG IDYOMA
Idyoma
ito ay matalinhagang pahayag o ang kahulugan ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita. Tinatawag din itong sawikain sa ating wika. Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng idyoma dahil ang diwa ng pangungusap ay kailangan ng malalim na pang-unawa, kaya't nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na kilitiin ang kanilang isipan upang matutunan ang kahulugan ng idyoma.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento