Lunes, Setyembre 19, 2022

KAHULUGAN, ANYO AT MGA URI NG PANITIKAN

 

Kahulugan ng Panitikan

  • Webster (1974) - ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na nakikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag; estetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw
  • Mateo (1996)- ito ay katumbas ng "literatura" sa wikang kastila at "literature" naman sa Ingles. Nagmula sa salitang Latin na "litera" na ang ibig sabihin ay letra o titik.
Anyo ng Panitikan
    a. Anyong tuluyan- ito ay patalata o lipon ng pangungusap na gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan
    b. Anyong Patula- pataludtod, may sukat at tugma o di kaya'y malayang taludturan na gumagamit ng masining at matatalinhagang pahayag.

Mga Uri ng Anyong Tuluyan
1. Nobela- mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata
2. Maikling Kuwento- maikling katha na nagsasalaysay ng pangaraw-araw na buhay may tauhan, pangyayari at isang kakintalan.
3. Dula- kuwento na isinasadula at itinatanghal sa tanghalan.
4. Alamat- nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay.
5. Parabula- katha mula sa Bibliya
6. Pabula- kuwentong may aral at ang pangunahing tauhan ay mga hayop
7. Talambuhay- akda ng kasaysayan ng buhay ng isang tao
8. Sanaysay- tumatalakay sa isang paksa ay naglalahad ng opinyon at pananaw
9. Talumpati- binibigkas sa harap ng madla
10. Balita- naglalahad ng mga pangyayari nagaganap sa buong bansa.
11. Anekdota- kwentong hango sa tunay na karanasan, kawili-wili at kakapulutan ng aral
12. Editoryal- sanaysay na naglalahad ng opinyon ng editor
13. Kasaysayan- tala tungkol sa mga mahahalagang pangyayari ng nakaraan
14. Ulat- naisagawang pananaliksik, pagsusuri pag-aaral atbp.
15. Mitolohiya- kwento sa pinagmulan ng daigdig, diyos at diyosa at mahihiwagang likha


Mga Uri ng Anyong Patula
1. Tulang Liriko- naglalahad ng masidhing damdamin, imahinasyon, at karanasan ng tao na kadalasang inaawit
2. Tulang Pasalaysay- nagsasalaysay ng mga pangyayari sa paraang pataludtod
3. Tulang Padula- Tulang sinadyang isulat upang itanghal sa entablado
4. Tulang Patnigan- Tulang Pagtatalo pangangatwiran at tagisan ng talino.

Ibat-ibang Uri Tulang Liriko
1. Pastoral - naglalarawan sa tunay na buhay sa kabundukan
2. Dalit - awit na pumupuri sa Diyos at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay
3. Pasyon - naglalarawan ng pagdurusa ni Hesukristo
4. Oda - nagpapahayag ng papuri sa isang paksa
5. Elehiya - madamdaming tula para sa patay
6. Soneto - tulang binubuo ng 14 na taludtod
7. Awit - karaniwang pinapaksa ay tungkol sa pag-ibig, pag-asa at kaligayahan
8. Panubong- mahabang tula na nagpaparangal sa taong nagdaraos ng kaarawan o kapistahan.
9.Awiting Bayan - karaniwang paksa ng ay pag-ibig, kawalang pag-asa, kaligayahan, pangamba, kalungkutan atbp.

Ibat-ibang Uri Tulang Pasalaysay
1. Epiko - mahabang tula tungkol sa magiting na pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang taong may natatanging kakayahan.
2. Awit - tulang romansa na tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan at ito ay hango sa tunay na buhay.
3. Korido - tulang romansa na ang mga tauhan ay may kakayahang supernatural

Ibat-ibang Uri ng Tulang Padula
1. Zarzuela - dulang musikal na karaniwang binubuo ng tatlong akto tungkol sa pag-ibig, kasakiman at poot
2. Moro-moro - nagpapakita ng hidwaan at labanan ng Kristiyano at Muslim
3. Senakulo - pagtatanghal tungkol sa paghihirap at kamatayan ni HesuKristo
4. Tibag - pagtatanghal tungkol sa paghahanap nina Reyna Elena at Constantino sa Krus na pinagpakuan kay Hesukristo
5. Panunuluyan - pagpapakita ng paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose para sa pagsilang sa sanggol na si Hesus.

Ibat-ibang Uri ng Tulang Patnigan
1. Duplo - kadalasang masasaksihan sa paglalamay ng patay na kung nagpapaligsahan sa pangangatwiran
2. Balagtasan - tagisan ng talino sa pamamagitan ng katwiran sa pamamaraang patula
3. Karagatan - dula tungkol sa sadyang paghulog ng prinsesa sa kanyang singsing sa karagatan at kung sinuman ang lalaking makakakuha ay kanyang pakakasalan.


Akdang Pampanitikan na Nagpalaganap ng Impluwensya sa Daigdig:

1. Aklat ng mga Araw
- batayan ng pananampalataya ng mga Intsik
2. Aklat ng mga Patay- naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiyang Ehipto
3. Awit ni Rolando- isinalaysay ang gintong panahon ng Kristiyano sa Pransya. Kinapapalooban ng Doce Pares at Ronscesvalles ng Pransya
4. Bibliya- pinakabatayan ng pananampalatayang Kristiyano. Mula sa Palestino at Gresya 
5. Cantebury Tales- naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles. Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer
6. Divina Comedia- Akda ni Dante Alighieri ng Italya noong 1307-1321, nagpapahayag ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano sa panahon iyon.
7. El Cid Compeador- naglalarawan sa katangian ng mga kastila at kasaysayan ng Espanya
8. Illiad at Odyssey- nagsasalaysay sa mitolohiya at alamat ng Gresya
9. Isang libo at Isang Gabi- naglalarawan ito sa ugaling pangpamahalaan, pangkabuhayan at lipunan ng Arabo at Persyano.
10. Koran- batayang pananamapalataya ng mga Muslim
11. Mahabharata- pinakamahabang epiko sa buong daigdig na naglalarawan sa kasaysayan ng pananampalataya sa India
12. Uncle Tom's Cabin- nagbukas sa mga mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagsimula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig. Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos.




Walang komento: