Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panitikan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panitikan. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Setyembre 26, 2022

PANITIKAN SA PANAHON NG MGA KASTILA


 Mga Akdang Panrelihiyon at Pangkagandahang Asal
  1. Doctrina Cristiana - ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas
  2. Nuestra SeƱora Del Rosario - ikalawang aklat na nailimbag sa Pilipinas at naglalaman ng talambuhay ng mga santo
  3. Barlaan at Josaphat - kauna-unahang nobela na nailimbag sa Pilipinas
  4.  Urbana at Feliza - aklat na isinulat ni Padre Modeto de Castro na naglalaman ng mga aral tungkol sa kagandang asal at wastong pag-uugali
Anyo ng Dula sa Panahon ng mga Kastila
  1.  Karagatan - tulang patnigan na hango sa isang alamat ng isang dalagang naghulog ng singsing sa dagat at kung sinumang binata na makakuha ay kanyang papakasalan.
  2. Duplo - isinasagawa sa bakuran ng namatayan, ito ay patulang pagtatalo at higit na pinapahalagahan ang kahusayan sa paghabi ng mga taludtod.
  3. Juego de Prenda - karaniwang ginagawa ito sa lamay ng patay, ang mga babaeng kasali sa larong ito ay binabansagan ng pangalan ng mga bulaklak at punongkahoy naman sa mga kalalakihan
  4. Moro-moro - dula tungkol sa paglalaban ng mga Muslim at mga Kristiyano

Martes, Setyembre 20, 2022

PANITIKAN SA PILIPINAS BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA


Mga Awiting Bayan - isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino. Ito ay may lalabindalawahing (12) pantig.
1. An-anoy - inaawit habang ang mga magsasaka ay nagtatrabaho sa bukirin
2. Ayoweng - inaawit sa pagkabyaw ng tubo
3. Daeleng - awit sa mga pyesta at pagdiriwang
4. Dalit (Himno) - awit sa pagpuri o pagsamba 
5. Danyo - awit sa pagsamba o pananampalataya
6. Diona - awit sa panliligaw o kasalan
7. Dung-aw - awit na nagpapahayag ng kalungkutan o pagdurusa
8. Hinilaw at Panambat - mga awit sa pag-iinuman
9. Indonalin at Kutang - awiting panlansangan
10. Kumintang - ito ay awit noon sa pakikipagdigma ngunit ng lumaon ay naging sayaw at awit sa pag-ibig
11. Kundiman at Balitaw - awit sa pag-ibig
12. Maluway - awit sa sama-samang paggawa
13. Mayaka - awit na panggabi ng mga Igorot
14. Oyayi - awit sa pagpapatulog ng bata o paghehele sa sanggol
15. Panilan - inaawit sa pagkuha ng bahay-pukyutan
16. Papag - inaawit sa tuwing bayuhan ng palay
17 Salagintok - awit sa pakikipagsapalaran
18. Sambotani - awit sa tagumpay
19. Umbay - awit sa paglilibing

Mga Epiko - nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga di pangkaraniwan o mga kababalaghan
✔ Epiko ng mga Ifugao
   Alim - pinakamatandang epiko sa Pilipinas na kahawig ng Ramayana ng India. Nagpakasal ang magkapatid na Bugan at Wigan
   Hudhud- pakikipagsapalaran ni Aliguyan ng Gomhandam
 ✔ Epiko ng Muslim
  Bidasari - pinagmalupitan ang dalagang si Bidasari; patay kung araw at buhay kung gabi.
  Bantugan - isang prinsepe na ubod ng tapang at lakas, namatay at muling nabuhay
  Idarapatra at Sulayman - itinuturing na alamat ng Mindanao; namatay si Sulayman at muling nabuhay
 ✔ Epiko ng Tagalog
   Kumintang - kasayasayan ng pagsusugo ng hari sa kanyang tatlong anak na sina Bagtas, Mandukit at Dikyaw.
 ✔ Epiko ng mga Bisaya 
   Hinilawod - kasaysayan ng pag-iibigan ng mga Bathala ng mga taga-Iloilo at Aklan at pinakamatandang epiko ng Panay
    Lagda - kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaan
   Maragtas - kasaysayan ng mga nagsitakas na sampung atung Malay dahil sa kalupitan ng sultan ng Borneo.
 ✔ Epiko ng mga Cebuano
    Ibalon at Aslon - hulwaran ng mabuting pamumuhay ng mga taga-Bikol
 ✔ Epiko ng Ilokano
  Biag ni Lam-Ang - buhay ni Lam-Ang; ito ay akda ni Pedro Bukaneg. Pinakasikat na epiko ng mga Ilokano. 

Kuwentong Bayan - madalas mangyari sa loob at labas ng ating lugar
    Kuwentong Bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala
Halimbawa: Si Bulan at Si Adlaw
 
Ang Alamat - isang uri ng panitikang tuluyan na ang karanniwang paksa ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan o katawagan
Halimbawa: Ang Alamat ng Pinya; Ang Alamat ng Saging 

Kantahing Bayan - nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga Pilipino.
Halimbawa: Pamulinawen - (Iloko)
     Sarong Banggi - (Bikol)

Salawikain - ito ay nakaugaliang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno
Halimbawa: Hamak man ang basahan, may panahong ito ay kailangan.  
 
Sawikain - kasabihang walang natatagong kahulugan
Halimbawa: Ang tunay na kaibigan sa gipit nasusubukan. 
 
Bugtong - binubuo ng isa o dalawang taludtod, maikli at may sukat o tugma. May kinalaman sa isang bagay kailangan ito pagisipan upang malaman ang kahulugan.
Halimbawa: Dalawang batong itim, Malayo ang nararating (Mata)

Palaisipan - noon pa man ay may matatawag ng palaisipan ang ating mga ninuno.
Halimbawa: May isang bola sa isang mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola nang di nagalaw ang sumbrero.
Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero

Bulong- isang panalanging binuhay upang makamtan o upang mabago ang mangyayari sa hinaharap.
Halimbawa: Supla balis, supla gahoy 
Kahulugan: Karaniwan sinasabi o ipinapahayag sa mga bata upang hindi malapitan ng negatibong enerhiya o iiwas sa mga sakit.  
 
Kasabihan - karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa: Putak, putak batang duwag; Matapang ka't nasa pugad.

Kawikaan - ito ay kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay nagtataglay ito ng aral sa buhay.
Halimbawa: Pag talagang palad, sasampa sa balikat. 

 

 
 

 
 
 
 
 






 

 




Lunes, Setyembre 19, 2022

KAHULUGAN, ANYO AT MGA URI NG PANITIKAN

 

Kahulugan ng Panitikan

  • Webster (1974) - ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na nakikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag; estetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw
  • Mateo (1996)- ito ay katumbas ng "literatura" sa wikang kastila at "literature" naman sa Ingles. Nagmula sa salitang Latin na "litera" na ang ibig sabihin ay letra o titik.
Anyo ng Panitikan
    a. Anyong tuluyan- ito ay patalata o lipon ng pangungusap na gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan
    b. Anyong Patula- pataludtod, may sukat at tugma o di kaya'y malayang taludturan na gumagamit ng masining at matatalinhagang pahayag.

Mga Uri ng Anyong Tuluyan
1. Nobela- mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata
2. Maikling Kuwento- maikling katha na nagsasalaysay ng pangaraw-araw na buhay may tauhan, pangyayari at isang kakintalan.
3. Dula- kuwento na isinasadula at itinatanghal sa tanghalan.
4. Alamat- nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay.
5. Parabula- katha mula sa Bibliya
6. Pabula- kuwentong may aral at ang pangunahing tauhan ay mga hayop
7. Talambuhay- akda ng kasaysayan ng buhay ng isang tao
8. Sanaysay- tumatalakay sa isang paksa ay naglalahad ng opinyon at pananaw
9. Talumpati- binibigkas sa harap ng madla
10. Balita- naglalahad ng mga pangyayari nagaganap sa buong bansa.
11. Anekdota- kwentong hango sa tunay na karanasan, kawili-wili at kakapulutan ng aral
12. Editoryal- sanaysay na naglalahad ng opinyon ng editor
13. Kasaysayan- tala tungkol sa mga mahahalagang pangyayari ng nakaraan
14. Ulat- naisagawang pananaliksik, pagsusuri pag-aaral atbp.
15. Mitolohiya- kwento sa pinagmulan ng daigdig, diyos at diyosa at mahihiwagang likha


Mga Uri ng Anyong Patula
1. Tulang Liriko- naglalahad ng masidhing damdamin, imahinasyon, at karanasan ng tao na kadalasang inaawit
2. Tulang Pasalaysay- nagsasalaysay ng mga pangyayari sa paraang pataludtod
3. Tulang Padula- Tulang sinadyang isulat upang itanghal sa entablado
4. Tulang Patnigan- Tulang Pagtatalo pangangatwiran at tagisan ng talino.

Ibat-ibang Uri Tulang Liriko
1. Pastoral - naglalarawan sa tunay na buhay sa kabundukan
2. Dalit - awit na pumupuri sa Diyos at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay
3. Pasyon - naglalarawan ng pagdurusa ni Hesukristo
4. Oda - nagpapahayag ng papuri sa isang paksa
5. Elehiya - madamdaming tula para sa patay
6. Soneto - tulang binubuo ng 14 na taludtod
7. Awit - karaniwang pinapaksa ay tungkol sa pag-ibig, pag-asa at kaligayahan
8. Panubong- mahabang tula na nagpaparangal sa taong nagdaraos ng kaarawan o kapistahan.
9.Awiting Bayan - karaniwang paksa ng ay pag-ibig, kawalang pag-asa, kaligayahan, pangamba, kalungkutan atbp.

Ibat-ibang Uri Tulang Pasalaysay
1. Epiko - mahabang tula tungkol sa magiting na pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang taong may natatanging kakayahan.
2. Awit - tulang romansa na tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan at ito ay hango sa tunay na buhay.
3. Korido - tulang romansa na ang mga tauhan ay may kakayahang supernatural

Ibat-ibang Uri ng Tulang Padula
1. Zarzuela - dulang musikal na karaniwang binubuo ng tatlong akto tungkol sa pag-ibig, kasakiman at poot
2. Moro-moro - nagpapakita ng hidwaan at labanan ng Kristiyano at Muslim
3. Senakulo - pagtatanghal tungkol sa paghihirap at kamatayan ni HesuKristo
4. Tibag - pagtatanghal tungkol sa paghahanap nina Reyna Elena at Constantino sa Krus na pinagpakuan kay Hesukristo
5. Panunuluyan - pagpapakita ng paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose para sa pagsilang sa sanggol na si Hesus.

Ibat-ibang Uri ng Tulang Patnigan
1. Duplo - kadalasang masasaksihan sa paglalamay ng patay na kung nagpapaligsahan sa pangangatwiran
2. Balagtasan - tagisan ng talino sa pamamagitan ng katwiran sa pamamaraang patula
3. Karagatan - dula tungkol sa sadyang paghulog ng prinsesa sa kanyang singsing sa karagatan at kung sinuman ang lalaking makakakuha ay kanyang pakakasalan.


Akdang Pampanitikan na Nagpalaganap ng Impluwensya sa Daigdig:

1. Aklat ng mga Araw
- batayan ng pananampalataya ng mga Intsik
2. Aklat ng mga Patay- naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiyang Ehipto
3. Awit ni Rolando- isinalaysay ang gintong panahon ng Kristiyano sa Pransya. Kinapapalooban ng Doce Pares at Ronscesvalles ng Pransya
4. Bibliya- pinakabatayan ng pananampalatayang Kristiyano. Mula sa Palestino at Gresya 
5. Cantebury Tales- naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles. Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer
6. Divina Comedia- Akda ni Dante Alighieri ng Italya noong 1307-1321, nagpapahayag ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano sa panahon iyon.
7. El Cid Compeador- naglalarawan sa katangian ng mga kastila at kasaysayan ng Espanya
8. Illiad at Odyssey- nagsasalaysay sa mitolohiya at alamat ng Gresya
9. Isang libo at Isang Gabi- naglalarawan ito sa ugaling pangpamahalaan, pangkabuhayan at lipunan ng Arabo at Persyano.
10. Koran- batayang pananamapalataya ng mga Muslim
11. Mahabharata- pinakamahabang epiko sa buong daigdig na naglalarawan sa kasaysayan ng pananampalataya sa India
12. Uncle Tom's Cabin- nagbukas sa mga mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagsimula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig. Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos.