Miyerkules, Setyembre 14, 2022

KAHULUGAN AT ANG IBAT- IBANG URI NG PANGUNGUSAP

 

Kahulugan ng Pangungusap

  • salita o grupo ng mga salita na nagpapahayag ng kumpletong kaisipan.
  • pahayag o pagsasalita ng isang tao na nagbibigay ng kahulugan o nagpapaabot ng mensahe.
Batayang Pangungusap sa Filipino
a. Panaguri- ito ay kumakatawan sa impormasyong inuugnay sa paksa. Ito rin ay nasa karaniwang ayos na kung saan nauuna ang panaguri kasunod ng simuno. Ang balangkas ng pangungusap ay (P-S).
Halimbawa: 
Malungkot  ang batang nakaupo sa duyan.
(Panaguri: Malungkot at ang Simuno: ang batang)
                      
b. Simuno (paksa)- litaw o nakalantad ang ay sa loob ng pangungusap at ang balangkas nito ay (S-P). Ito ang sentro ng usapan sa pangungusap.
Halimbawa: Ang batang nakaupo sa duyan ay malungkot.                                                   
Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian
1. Payak- binubuo ng isang diwa o isang kaisipan lamang. May iisang paksang pinaguusapan na kumkatawan sa ibat-ibang anyo.
PS (Payak na simuno) + PP (Payak na Panaguri)
Halimbawa: Magaling sumayaw si Ken.
2. Tambalan- pangungusap na may dalawang  kaisipan na pinag-uugnay ng pangatnig tulad ng at, ngunit, habang, o, pero atbp.
Halimbawa: Magaling sumayaw si Ken at marunong din siyang gumawa ng kanta.
3. Hugnayan- binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa. Ang diwa ng dalawang sugnay ay magkarugtong at pinag-uugnay ng pangatnig.
Halimbawa: Uunlad ang ating bansa kung magtutulungan tayong iangat ang bawat isa.
Sugnay na di makapagiisa- uunlad ang ating bansa
Sugnay na makapag-iisa- kung magtutulungan tayong iangat ang bawat isa.
Pangatnig- kung
4. Langkapan- binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa o sugnay na di makapag-iisa. Ang diwa ng dalawang sugnay ay magkakaugnay sa tulong ng pangatnig.
Halimbawa: Tumaas ang presyo ng bigas dahil sa pagtaas ng gasolina kaya't maraming Pilipino ang dumadaing ngayon sa gobyerno. 

Uri ng pangungusap ayon sa Gamit/ Tungkulin
1. Patanong- pangungusap na nagtatanong at nagtatapos sa bantas na tandang pananong (?).
Halimbawa: Bakit mataas ang presyo ng bigas nagyon?
2. Paturol o Pasalaysay- nagsasalaysay ng pangyayari o katotohanan. Nagtatapos sa tuldok (.)
Halimbawa: Ang edukasyon ang susi ng ating tagumpay.
3. Pautos o Pakiusap- may himig ng pag-uutos ang diwa ng pangungusap. Ito ay nauuri sa dalawa;
    a. May paggalang sa tulong ng unlaping paki o maki.
    b. Paguutos ng walang paggalang o pasintabi.
Halimbawa: a. Pakihugasan ang mga pinggan sa kusina.
                    b. Hugasan mo ang mga pinggan sa kusina.
4. Pandamdam- pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin. Nagtatapos sa tandang padamdam (!)
Halimbawa: Naku po! Nabasag ang pinggan.
                    Ayan na ang iyong ina papaluin ka na!

Pangungusap na Walang Paksa
        Salita o lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri ngunit may diwa o mensaheng pinaabot kaya't itinuturing na pangungusap na wala o di tiyak na paksa.
Uri ng Pangungusap na walang paksa
1.Eksistensyal- nagsasaad ng pagka-mayroon o pagkawala.
Halimbawa: May kumakatok
                    Wala pang kita
                    Mayroon pa
2. Penominal- pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayaring pangkapaligiran
Halimbawa: Bumabagyo na
                    Tagbaha na naman
                    Malakas ang hangin
3. Temporal- nagsasaad ng kalagayan o panahong panandalian
Halimbawa: Taginit na ngayon
                    Kani-kanina lang
                    Samakalawa
4. Modal- Nangangahulugang nais o gusto
Halimbawa: Kailangan ko ito
                    Gusto ko yun
                    
5. Ka-Pandiwa- katatapos na kilos opangyayari at may kasunod na lang o lamang.
Halimbawa: Kakaligo ko lang
                    Kakaluto lang ng nanay
                    
6. Pambating Panlipunan- magagalang na pananalita na mahalaga sa pakikipagkapwa-tao.
HalimbawaKamusta ka?
                    Opo!, po
                      Maraming Salamat
                    Paumanhin
7. Panawag- matatawag ding vocative, pagtawag sa ngalan ng isang tao na may kahulugang ipinaaabot.
Halimbawa: Juan!
                    Hoy! 
8.Sambitla- isa o dalawang pantig ng salita na may diwa at isang ekspresyong pahayag.
Halimbawa: Wow!
                    Yehey!
                    Yes!
9. Pormularyong Panlipunan- mga salitang sadyang itinakda sa sitwasyong umaga, tanghali at gabi
HalimbawaMagandang Umaga!
                    Magandang Tanghali!
                    Magandang hapon!

                    

Walang komento: