Lunes, Setyembre 26, 2022

PANITIKAN SA PANAHON NG MGA KASTILA


 Mga Akdang Panrelihiyon at Pangkagandahang Asal
  1. Doctrina Cristiana - ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas
  2. Nuestra SeƱora Del Rosario - ikalawang aklat na nailimbag sa Pilipinas at naglalaman ng talambuhay ng mga santo
  3. Barlaan at Josaphat - kauna-unahang nobela na nailimbag sa Pilipinas
  4.  Urbana at Feliza - aklat na isinulat ni Padre Modeto de Castro na naglalaman ng mga aral tungkol sa kagandang asal at wastong pag-uugali
Anyo ng Dula sa Panahon ng mga Kastila
  1.  Karagatan - tulang patnigan na hango sa isang alamat ng isang dalagang naghulog ng singsing sa dagat at kung sinumang binata na makakuha ay kanyang papakasalan.
  2. Duplo - isinasagawa sa bakuran ng namatayan, ito ay patulang pagtatalo at higit na pinapahalagahan ang kahusayan sa paghabi ng mga taludtod.
  3. Juego de Prenda - karaniwang ginagawa ito sa lamay ng patay, ang mga babaeng kasali sa larong ito ay binabansagan ng pangalan ng mga bulaklak at punongkahoy naman sa mga kalalakihan
  4. Moro-moro - dula tungkol sa paglalaban ng mga Muslim at mga Kristiyano

Martes, Setyembre 20, 2022

PANITIKAN SA PILIPINAS BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA


Mga Awiting Bayan - isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino. Ito ay may lalabindalawahing (12) pantig.
1. An-anoy - inaawit habang ang mga magsasaka ay nagtatrabaho sa bukirin
2. Ayoweng - inaawit sa pagkabyaw ng tubo
3. Daeleng - awit sa mga pyesta at pagdiriwang
4. Dalit (Himno) - awit sa pagpuri o pagsamba 
5. Danyo - awit sa pagsamba o pananampalataya
6. Diona - awit sa panliligaw o kasalan
7. Dung-aw - awit na nagpapahayag ng kalungkutan o pagdurusa
8. Hinilaw at Panambat - mga awit sa pag-iinuman
9. Indonalin at Kutang - awiting panlansangan
10. Kumintang - ito ay awit noon sa pakikipagdigma ngunit ng lumaon ay naging sayaw at awit sa pag-ibig
11. Kundiman at Balitaw - awit sa pag-ibig
12. Maluway - awit sa sama-samang paggawa
13. Mayaka - awit na panggabi ng mga Igorot
14. Oyayi - awit sa pagpapatulog ng bata o paghehele sa sanggol
15. Panilan - inaawit sa pagkuha ng bahay-pukyutan
16. Papag - inaawit sa tuwing bayuhan ng palay
17 Salagintok - awit sa pakikipagsapalaran
18. Sambotani - awit sa tagumpay
19. Umbay - awit sa paglilibing

Mga Epiko - nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga di pangkaraniwan o mga kababalaghan
✔ Epiko ng mga Ifugao
   Alim - pinakamatandang epiko sa Pilipinas na kahawig ng Ramayana ng India. Nagpakasal ang magkapatid na Bugan at Wigan
   Hudhud- pakikipagsapalaran ni Aliguyan ng Gomhandam
 ✔ Epiko ng Muslim
  Bidasari - pinagmalupitan ang dalagang si Bidasari; patay kung araw at buhay kung gabi.
  Bantugan - isang prinsepe na ubod ng tapang at lakas, namatay at muling nabuhay
  Idarapatra at Sulayman - itinuturing na alamat ng Mindanao; namatay si Sulayman at muling nabuhay
 ✔ Epiko ng Tagalog
   Kumintang - kasayasayan ng pagsusugo ng hari sa kanyang tatlong anak na sina Bagtas, Mandukit at Dikyaw.
 ✔ Epiko ng mga Bisaya 
   Hinilawod - kasaysayan ng pag-iibigan ng mga Bathala ng mga taga-Iloilo at Aklan at pinakamatandang epiko ng Panay
    Lagda - kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaan
   Maragtas - kasaysayan ng mga nagsitakas na sampung atung Malay dahil sa kalupitan ng sultan ng Borneo.
 ✔ Epiko ng mga Cebuano
    Ibalon at Aslon - hulwaran ng mabuting pamumuhay ng mga taga-Bikol
 ✔ Epiko ng Ilokano
  Biag ni Lam-Ang - buhay ni Lam-Ang; ito ay akda ni Pedro Bukaneg. Pinakasikat na epiko ng mga Ilokano. 

Kuwentong Bayan - madalas mangyari sa loob at labas ng ating lugar
    Kuwentong Bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala
Halimbawa: Si Bulan at Si Adlaw
 
Ang Alamat - isang uri ng panitikang tuluyan na ang karanniwang paksa ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan o katawagan
Halimbawa: Ang Alamat ng Pinya; Ang Alamat ng Saging 

Kantahing Bayan - nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga Pilipino.
Halimbawa: Pamulinawen - (Iloko)
     Sarong Banggi - (Bikol)

Salawikain - ito ay nakaugaliang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno
Halimbawa: Hamak man ang basahan, may panahong ito ay kailangan.  
 
Sawikain - kasabihang walang natatagong kahulugan
Halimbawa: Ang tunay na kaibigan sa gipit nasusubukan. 
 
Bugtong - binubuo ng isa o dalawang taludtod, maikli at may sukat o tugma. May kinalaman sa isang bagay kailangan ito pagisipan upang malaman ang kahulugan.
Halimbawa: Dalawang batong itim, Malayo ang nararating (Mata)

Palaisipan - noon pa man ay may matatawag ng palaisipan ang ating mga ninuno.
Halimbawa: May isang bola sa isang mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola nang di nagalaw ang sumbrero.
Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero

Bulong- isang panalanging binuhay upang makamtan o upang mabago ang mangyayari sa hinaharap.
Halimbawa: Supla balis, supla gahoy 
Kahulugan: Karaniwan sinasabi o ipinapahayag sa mga bata upang hindi malapitan ng negatibong enerhiya o iiwas sa mga sakit.  
 
Kasabihan - karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa: Putak, putak batang duwag; Matapang ka't nasa pugad.

Kawikaan - ito ay kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay nagtataglay ito ng aral sa buhay.
Halimbawa: Pag talagang palad, sasampa sa balikat. 

 

 
 

 
 
 
 
 






 

 




Lunes, Setyembre 19, 2022

KAHULUGAN, ANYO AT MGA URI NG PANITIKAN

 

Kahulugan ng Panitikan

  • Webster (1974) - ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na nakikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag; estetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw
  • Mateo (1996)- ito ay katumbas ng "literatura" sa wikang kastila at "literature" naman sa Ingles. Nagmula sa salitang Latin na "litera" na ang ibig sabihin ay letra o titik.
Anyo ng Panitikan
    a. Anyong tuluyan- ito ay patalata o lipon ng pangungusap na gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan
    b. Anyong Patula- pataludtod, may sukat at tugma o di kaya'y malayang taludturan na gumagamit ng masining at matatalinhagang pahayag.

Mga Uri ng Anyong Tuluyan
1. Nobela- mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata
2. Maikling Kuwento- maikling katha na nagsasalaysay ng pangaraw-araw na buhay may tauhan, pangyayari at isang kakintalan.
3. Dula- kuwento na isinasadula at itinatanghal sa tanghalan.
4. Alamat- nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay.
5. Parabula- katha mula sa Bibliya
6. Pabula- kuwentong may aral at ang pangunahing tauhan ay mga hayop
7. Talambuhay- akda ng kasaysayan ng buhay ng isang tao
8. Sanaysay- tumatalakay sa isang paksa ay naglalahad ng opinyon at pananaw
9. Talumpati- binibigkas sa harap ng madla
10. Balita- naglalahad ng mga pangyayari nagaganap sa buong bansa.
11. Anekdota- kwentong hango sa tunay na karanasan, kawili-wili at kakapulutan ng aral
12. Editoryal- sanaysay na naglalahad ng opinyon ng editor
13. Kasaysayan- tala tungkol sa mga mahahalagang pangyayari ng nakaraan
14. Ulat- naisagawang pananaliksik, pagsusuri pag-aaral atbp.
15. Mitolohiya- kwento sa pinagmulan ng daigdig, diyos at diyosa at mahihiwagang likha


Mga Uri ng Anyong Patula
1. Tulang Liriko- naglalahad ng masidhing damdamin, imahinasyon, at karanasan ng tao na kadalasang inaawit
2. Tulang Pasalaysay- nagsasalaysay ng mga pangyayari sa paraang pataludtod
3. Tulang Padula- Tulang sinadyang isulat upang itanghal sa entablado
4. Tulang Patnigan- Tulang Pagtatalo pangangatwiran at tagisan ng talino.

Ibat-ibang Uri Tulang Liriko
1. Pastoral - naglalarawan sa tunay na buhay sa kabundukan
2. Dalit - awit na pumupuri sa Diyos at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay
3. Pasyon - naglalarawan ng pagdurusa ni Hesukristo
4. Oda - nagpapahayag ng papuri sa isang paksa
5. Elehiya - madamdaming tula para sa patay
6. Soneto - tulang binubuo ng 14 na taludtod
7. Awit - karaniwang pinapaksa ay tungkol sa pag-ibig, pag-asa at kaligayahan
8. Panubong- mahabang tula na nagpaparangal sa taong nagdaraos ng kaarawan o kapistahan.
9.Awiting Bayan - karaniwang paksa ng ay pag-ibig, kawalang pag-asa, kaligayahan, pangamba, kalungkutan atbp.

Ibat-ibang Uri Tulang Pasalaysay
1. Epiko - mahabang tula tungkol sa magiting na pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang taong may natatanging kakayahan.
2. Awit - tulang romansa na tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan at ito ay hango sa tunay na buhay.
3. Korido - tulang romansa na ang mga tauhan ay may kakayahang supernatural

Ibat-ibang Uri ng Tulang Padula
1. Zarzuela - dulang musikal na karaniwang binubuo ng tatlong akto tungkol sa pag-ibig, kasakiman at poot
2. Moro-moro - nagpapakita ng hidwaan at labanan ng Kristiyano at Muslim
3. Senakulo - pagtatanghal tungkol sa paghihirap at kamatayan ni HesuKristo
4. Tibag - pagtatanghal tungkol sa paghahanap nina Reyna Elena at Constantino sa Krus na pinagpakuan kay Hesukristo
5. Panunuluyan - pagpapakita ng paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose para sa pagsilang sa sanggol na si Hesus.

Ibat-ibang Uri ng Tulang Patnigan
1. Duplo - kadalasang masasaksihan sa paglalamay ng patay na kung nagpapaligsahan sa pangangatwiran
2. Balagtasan - tagisan ng talino sa pamamagitan ng katwiran sa pamamaraang patula
3. Karagatan - dula tungkol sa sadyang paghulog ng prinsesa sa kanyang singsing sa karagatan at kung sinuman ang lalaking makakakuha ay kanyang pakakasalan.


Akdang Pampanitikan na Nagpalaganap ng Impluwensya sa Daigdig:

1. Aklat ng mga Araw
- batayan ng pananampalataya ng mga Intsik
2. Aklat ng mga Patay- naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiyang Ehipto
3. Awit ni Rolando- isinalaysay ang gintong panahon ng Kristiyano sa Pransya. Kinapapalooban ng Doce Pares at Ronscesvalles ng Pransya
4. Bibliya- pinakabatayan ng pananampalatayang Kristiyano. Mula sa Palestino at Gresya 
5. Cantebury Tales- naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles. Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer
6. Divina Comedia- Akda ni Dante Alighieri ng Italya noong 1307-1321, nagpapahayag ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano sa panahon iyon.
7. El Cid Compeador- naglalarawan sa katangian ng mga kastila at kasaysayan ng Espanya
8. Illiad at Odyssey- nagsasalaysay sa mitolohiya at alamat ng Gresya
9. Isang libo at Isang Gabi- naglalarawan ito sa ugaling pangpamahalaan, pangkabuhayan at lipunan ng Arabo at Persyano.
10. Koran- batayang pananamapalataya ng mga Muslim
11. Mahabharata- pinakamahabang epiko sa buong daigdig na naglalarawan sa kasaysayan ng pananampalataya sa India
12. Uncle Tom's Cabin- nagbukas sa mga mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagsimula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig. Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos.




IBAT-IBANG DALUYAN NG MATATALINHAGANG PAHAYAG

 

A. Salawikain- nakasulat sa anyong patula kaya ito ay may sukat at tugma. Matalinhagang pahayag dahil hindi tahasang sinasabi ang tunay na kahulugan. Mayaman ito sa kagandahang asal at kadalasang malalaman o matututunan mula sa bibig ng mga matatanda.

Halimbawa: Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.

Kahulugan: Ang isang taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob o umalala sa mga taong tumulong sa kanya ay mahihirapang magtagumpay sa buhay.

B. Sawikain- nagsasaad din ng kagandang-asal ngunit hindi kasinglalim ng ipinapahayag sa salawikain. Mga tanging paalala sa araw-araw  sa mga taong nakakalimot ng kagandahang asal. 

Halimbawa: Matutong mamaluktot kung maikli ang kumot

Kahulugan: Kung ang kinikita sa paghahanap-buhay ay tama lamang para sa mga gastusin sa araw-araw huwag gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan. Kung ano man ang mayroon o nandyan ay pagkasyahin at makuntento.

C. Kasabihan- kadalasang anyong patula na isa o dalawa ang taludtod na may sukat at tugma. Payak ang kahulugan at masasalamin ang kilos, ugali at gawi ng isang tao. Karaniwang ginagamit sa mga tuksuhan ng mga bata.

Halimbawa: Sa kapipili, ang nakuha ay bungi.

Kahulugan: Ang tanong mapaghanap at hindi nakukuntento ang nakukuha sa huli ay kamalasan o pangit.

D. Idyoma ito ay matalinhagang pahayag o ang kahulugan ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita. Tinatawag din itong sawikain sa ating wika. Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng idyoma dahil ang diwa  ng pangungusap ay kailangan ng malalim na pang-unawa, kaya't nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na kilitiin ang kanilang isipan upang matutunan ang kahulugan ng idyoma.

Halimbawa: nanininggalang pugad - nanliligaw

E. Bulong- isang panalanging binuhay upang makamtan o upang mabago ang mangyayari sa hinaharap.

Halimbawa: Supla balis, supla gahoy

Kahulugan: Karaniwan sinasabi o ipinapahayag sa mga bata upang hindi malapitan ng negatibong enerhiya o iiwas sa mga sakit. 

F. Bugtong- isang pahayag na may kinalaman sa larawan ng isang bagay. Kailangang mag-isip upang malaman kung ano ang katumbas na bagay na ipinahayag. Ginagamit nila ang mga bagay na nakikita nila sa araw-araw o may kaugnayan sa kanilang buhay.

Halimbawa: Munting bundok, Di madampot ( sagot: ipot) 

G. TayutaySalita o isang pahayag  na ginagamit upang bigyang diin ang isang kaisipan o damdamin at gumagamit ng talinghaga o di karaniwang salita sa paraan ng pagpapahayag.

✅Para sa ibat-ibang uri ng tayutay bisitahin ang link na ito.

https://akademikongfilipino.blogspot.com/2022/09/kahulugan-at-mga-uri-ng-tayutay-figure.html



Linggo, Setyembre 18, 2022

MGA HALIMBAWA NG IDYOMA

 
Idyoma
        ito ay matalinhagang pahayag o ang kahulugan ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita. Tinatawag din itong sawikain sa ating wika. Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng idyoma dahil ang diwa  ng pangungusap ay kailangan ng malalim na pang-unawa, kaya't nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na kilitiin ang kanilang isipan upang matutunan ang kahulugan ng idyoma.


Abo ang laman ng ulo

Walang nalalaman

Alimuom

Tsismis

Anak-pawis

Mahirap

Babaha ng dugo

Malaking gulo

Bahag ang buntot

Takot

Balat sibuyas

Maramdamin

Basa ang papel

Masama ang Record

Basang sisiw

Kawawa

Batak ang katawan

Malakas

Bilugin ang ulo

Lukohin

Bukang Bibig

Madalas banggitin

Bukas na aklat

Alam ng lahat

Biniyak na bunga

Magkamukha

Bugtong na anak

Kaisa-isang anak

Buhatin ang sariling bangko

Purihin ang sarili

Bulaklak ang dila

Pangungusap na mataimtim

Buo ang loob

Malakas ang loob

Kalamayin ang sarili

Ipanatag ang isip

Kinakalawang na

Laos na

Kinukulili ang tainga

Pagkayamot sa sinsabi

Kisap-mata

Sandali

Kumukulo ang dugo

Nagagalit

Kusang-palo

Kusang paggawa

Kutong lupa

Maliit na tao

Di makabasag-pinggan

Napakabait

di maliparang uwak

Napakalawak na lupa

Gasgas ang bulsa

Malaki ang gastos

Halang ang bituka

Walang takot na mamatay

Hampas ng langit

Parusa ng Diyos

Hampas Lupa

Dukha o palaboy

Hindi gawang biro

Lubhang mahirap

Hulog ng langit

Kapalaran o swerte

Humahalik sa yakap

Sumasamba

Hunos-dili

Pagpipigil sa sarili

Igagapang

Itataguyod

Ihatid sa dambana

Pakasalan

Ililibing sa limot

Kalimutan

Ilista sa tubig

Utang na hindi nabayaran

Isang bakol na mukha

nakasimangot

Isang kahig, isang tuka

Ang sweldo ay husto lamang para sa isang kainan







Miyerkules, Setyembre 14, 2022

KAHULUGAN AT ANG IBAT- IBANG URI NG PANGUNGUSAP

 

Kahulugan ng Pangungusap

  • salita o grupo ng mga salita na nagpapahayag ng kumpletong kaisipan.
  • pahayag o pagsasalita ng isang tao na nagbibigay ng kahulugan o nagpapaabot ng mensahe.
Batayang Pangungusap sa Filipino
a. Panaguri- ito ay kumakatawan sa impormasyong inuugnay sa paksa. Ito rin ay nasa karaniwang ayos na kung saan nauuna ang panaguri kasunod ng simuno. Ang balangkas ng pangungusap ay (P-S).
Halimbawa: 
Malungkot  ang batang nakaupo sa duyan.
(Panaguri: Malungkot at ang Simuno: ang batang)
                      
b. Simuno (paksa)- litaw o nakalantad ang ay sa loob ng pangungusap at ang balangkas nito ay (S-P). Ito ang sentro ng usapan sa pangungusap.
Halimbawa: Ang batang nakaupo sa duyan ay malungkot.                                                   
Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian
1. Payak- binubuo ng isang diwa o isang kaisipan lamang. May iisang paksang pinaguusapan na kumkatawan sa ibat-ibang anyo.
PS (Payak na simuno) + PP (Payak na Panaguri)
Halimbawa: Magaling sumayaw si Ken.
2. Tambalan- pangungusap na may dalawang  kaisipan na pinag-uugnay ng pangatnig tulad ng at, ngunit, habang, o, pero atbp.
Halimbawa: Magaling sumayaw si Ken at marunong din siyang gumawa ng kanta.
3. Hugnayan- binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa. Ang diwa ng dalawang sugnay ay magkarugtong at pinag-uugnay ng pangatnig.
Halimbawa: Uunlad ang ating bansa kung magtutulungan tayong iangat ang bawat isa.
Sugnay na di makapagiisa- uunlad ang ating bansa
Sugnay na makapag-iisa- kung magtutulungan tayong iangat ang bawat isa.
Pangatnig- kung
4. Langkapan- binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa o sugnay na di makapag-iisa. Ang diwa ng dalawang sugnay ay magkakaugnay sa tulong ng pangatnig.
Halimbawa: Tumaas ang presyo ng bigas dahil sa pagtaas ng gasolina kaya't maraming Pilipino ang dumadaing ngayon sa gobyerno. 

Uri ng pangungusap ayon sa Gamit/ Tungkulin
1. Patanong- pangungusap na nagtatanong at nagtatapos sa bantas na tandang pananong (?).
Halimbawa: Bakit mataas ang presyo ng bigas nagyon?
2. Paturol o Pasalaysay- nagsasalaysay ng pangyayari o katotohanan. Nagtatapos sa tuldok (.)
Halimbawa: Ang edukasyon ang susi ng ating tagumpay.
3. Pautos o Pakiusap- may himig ng pag-uutos ang diwa ng pangungusap. Ito ay nauuri sa dalawa;
    a. May paggalang sa tulong ng unlaping paki o maki.
    b. Paguutos ng walang paggalang o pasintabi.
Halimbawa: a. Pakihugasan ang mga pinggan sa kusina.
                    b. Hugasan mo ang mga pinggan sa kusina.
4. Pandamdam- pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin. Nagtatapos sa tandang padamdam (!)
Halimbawa: Naku po! Nabasag ang pinggan.
                    Ayan na ang iyong ina papaluin ka na!

Pangungusap na Walang Paksa
        Salita o lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri ngunit may diwa o mensaheng pinaabot kaya't itinuturing na pangungusap na wala o di tiyak na paksa.
Uri ng Pangungusap na walang paksa
1.Eksistensyal- nagsasaad ng pagka-mayroon o pagkawala.
Halimbawa: May kumakatok
                    Wala pang kita
                    Mayroon pa
2. Penominal- pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayaring pangkapaligiran
Halimbawa: Bumabagyo na
                    Tagbaha na naman
                    Malakas ang hangin
3. Temporal- nagsasaad ng kalagayan o panahong panandalian
Halimbawa: Taginit na ngayon
                    Kani-kanina lang
                    Samakalawa
4. Modal- Nangangahulugang nais o gusto
Halimbawa: Kailangan ko ito
                    Gusto ko yun
                    
5. Ka-Pandiwa- katatapos na kilos opangyayari at may kasunod na lang o lamang.
Halimbawa: Kakaligo ko lang
                    Kakaluto lang ng nanay
                    
6. Pambating Panlipunan- magagalang na pananalita na mahalaga sa pakikipagkapwa-tao.
HalimbawaKamusta ka?
                    Opo!, po
                      Maraming Salamat
                    Paumanhin
7. Panawag- matatawag ding vocative, pagtawag sa ngalan ng isang tao na may kahulugang ipinaaabot.
Halimbawa: Juan!
                    Hoy! 
8.Sambitla- isa o dalawang pantig ng salita na may diwa at isang ekspresyong pahayag.
Halimbawa: Wow!
                    Yehey!
                    Yes!
9. Pormularyong Panlipunan- mga salitang sadyang itinakda sa sitwasyong umaga, tanghali at gabi
HalimbawaMagandang Umaga!
                    Magandang Tanghali!
                    Magandang hapon!

                    

Lunes, Setyembre 12, 2022

WASTONG GAMIT NG MGA SALITA


    Maraming salita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit at kadalasang nagkakamali ang sumusulat sa mismong salitang gagamitin. Ito ay bunga ng kakulangan sa pag-unawa at kaalaman sa angkop na salita at tamang balarila sa loob ng pangungusap.

Narito ang pagkakaiba ng mga salitang namamali ng gamit;

Ginagamit ang Ng bilang:
a. Ginagamit kung ang susunod na salita ay pangngalan. (of sa Ingles)            Halimbawa:
Ang bata ay bumili ng kendi - pangngalan( tuwirang layon)                           Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso tuwing Pebrero.

b. Nagsisilbing pang-angkop sa pagitan ng 2 salita kung sinusundan ng salita na nagtatapos sa patinig at sinusundan ng salitang pangngalan at iba pang bahagi ng pananalita maliban sa pandiwa.
Halimbawa:
Ang matandang babae (babae- pangngalan).
Ang lolang mabait (mabait- pang-uri)

c. Pang-ukol ng layon ng pandiwa                                                                 Halimbawa: Nagdilig siya ng mga halaman bago mago maglaro sa labas.

d. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa                                                   Halimbawa: Pinagalitan ng guro ang nagiingay na estudyante.

1. NG AT NANG
Gamit ang Nang bilang;
a. Ginagamit bilang panimula ng pangungusap.
Halimbawa: Nang makapagtapos at nakanap ng trabaho si Ken ay gumanda ang kanilang buhay.

b. Sinasagot ang tanong kung paano nagawa ang isang bagay.
halimbawa: Si Ken ay natutulog nang pabaluktot kapag malamig ang panahon.

c. Gamit sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa: Si Ken ay nakahanap ng maayos na trabaho nang makapagtapos siya ng pag-aaral.

d. Ginagamit kapag napapagitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa
Halimbawa: Luto nang luto ang kanyang nanay ng dumating ang mga bisita nito.

2. DAW/ RAW, DIN/ RIN, DOON/ ROON, DITO/ RITO
a. Ginagamit ang daw, din, doon, dito kapag ang salita kasunoay nagtatapos sa katinig
Halimbawa: May sayawan daw pagkatapos ng kasalan.

b. Ang raw, rin, roon, rito ay ginagamit kapag ang susunod na salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y.
Halimbawa:
Sasayaw raw mamaya si Jessica.
Sasama rin siya mamaya sa sayawang gaganapin.

3. KONG AT KUNG 
Halos magkasintunog ngunit may magkaibang tungkuling gampanin sa loob ng pangungusap
a. Kong- Ginagamit kung nagsasaad ng pag-aari o panghalip panao sa kaukulang paari
Halimbawa: Gusto kong bumili ng maraming aklat.

b. Kung (if sa Ingles)- bilang pangatnig na pasubali o sa diwa ng pangungusap at nagsasaad ng pag-aalinlangan o pasubali. Ginagamit din bilang hugnayan sa pangungusap
Halimbawa
Makakaipon ka ng pera kung magtitipid ka.
Maiiwasan ang pagbaha  kung magiging disiplinado ang tao sa pagtatapon ng mga basura.
 
4.KUNG DI AT KUNDI
a. Kung di- galing sa salitang"kung hindi"(if not)
Halimbawa: Makakabili na sana ako ng aklat kung di mo inutang ang pera ko.
b. Kundi- (except sa Ingles)
Halimbawa: Walang sinuman ang dapat sisihin kundi ikaw lamang. 

5. TAGA AT TIGA
Walang unlaping tiga-, Taga- ang tamang gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga- kung sinusundan ng pangngalang pangatnig.
Halimbawa:
Ako ay taga-Mindoro.
Taganayon ang naglalako ng paninda kanina.