Miyerkules, Agosto 24, 2022

ANG RETORIKA TUNGO SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG

 KAHULUGAN AT PINAGMULAN NG RETORIKA

  • Ang retorika ay mula sa salitang Griyego na "rhetor" na ang ibig sabihin ay "guro" o isang mahusay na mananalumpati o "orador".
  • Ito ay tumutukoy sa sining at agham maging pasalita o pasulat na pagpapahayag sa tulong ng wasto at makabuluhang paggamit ng wika, kaagapay ng mabisang estilo at masining na pagpapahayag.
  • Nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa isang isla ng Syracuse sa bansang Sicily noong ika-5 siglo bago pa dumating si Kristo.
  • Corax- siya ang nagpanukala kung paano ilahad ang kanilang argumento upang makuha ang simpatya ng mga tagapakinig kaya kailangang may maayos at sistematikong paglalahad ng mga pangangatwiran.
  • Socrates- binigyan niya ng kahulugan ang retorika bilang isang siyensya o agham ng panghihimok o panghihikayat.
  • Cicero- isang batikang orador at hayagang nagsabi na ang pagtalakay sa anumang mithiin na nakabatay sa mabuting panlasa at pagpapasya ng mananalumpati.
  • Aristotle- sinuri niya ang sining ng panghihikayat.
  • Demosthenes- tinaguriang pinakaharing orador sa Griyego.
ANG BAGONG RETORIKA
  • Jose Villa Panganiban- ang retorika ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa.
  • Simpilicio Bisa- ayon sa kanyang libro, ang retorika ay mabisa at maganang pagpapahayg na sumasaklaw sa maraming sangkap na may kaugnayan sa pagsulat, gaya ng pananalita, istraktura at kalinawan ng pagpapahayag. Ang retorika ay sining o agham sa pagsulat ng kathang pampanitikan.
  • Sebastian- ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsulat at pagsasalita.
  • Venacio Mendiola- ang kaayusan ng salita ay idinidikta ng gramatika at ang pagpili ng salita ay retorika. 

MGA SANGKAP NG RETORIKA
    1. Kaisipang nais ipahayag. mahalagang kaisipan na nais nating maipaabot sa ating tagapakinig.
    2. Pagbuo ng mga Pahayag o organisasyon. Kailangang magkaroon ng lohiko ang pagsasamahing mga pahayag sa pamamagitan ng mga salita at mga pangungusap na nagkakatulong-tulong upang mabuo ang isang diwa. Bawat talata ay kailangang may kaugnayan sa isat-isa.
    3. Ang Istilo ng Pagpapahayag. Estilo na may kinalaman sa pagkakaiba-iba ng bawat indibidwal sa mga paraan ng kanilang pagpapahayag.

KATANGIAN NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG
  1.  Kalinawan sa diwa ng isinusulat o isinasalita sa tulong ng mga piling salita.
  2. Angkop sa daloy ng pahayag ang mga salitang ginamit na nilapitan ng tamang gramatika.
  3. Sapat ang pahayag upang mapanatili ang kawilihan ng mambabasa.
  4. Napaguugnay-ugnay ang dating kaalaman sa bagong natutunang kaalaman ng mambabasa.
  5. Tiyak ng mambabasa ang kabuuang diwa ng pahayag sa tulong ng piling salita at tamang gramatika sa paksang tinalakay.
SAKLAW NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG
  1. Tao- nakikinig o bumabasa sa isinulat o ipinahayag ng isang manunulat o nagpapahayag.
  2. Kasanayan ng manunulat- ang kasanayang pansarili ng manunulat ay makakatulong upang magkaroon ng sining ang mabisang pagpapahayag.
  3. Wika- ito ay isang instrumento upang maipakita ang angking talino at galing ng isang manunulat sa pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman at ideya gamit ang kanyang kagalingan sa wika kaya't napakamapangyarihan nito.
  4. Kultura- kaakibat ng wika ay kultura, sumasalamin sa mga salita, simbolo ang paniniwala, tradisyon, kaugalian, awit at lalong-lalo na ang wika sa akda na nalikha ng isang manunulat.
  5. Pilosopiya- upang mapangatwiranan at mapaniwala ang mambabasa ipinapahayag ng manunulat ang sariling pilosopiya o ng iba na mapag-aangklahan ng ipinapahayag nito.
  6. Sining- Pumapasok dito ang taglay na pagkamalikhain ng isang gumagawa ng isang masining na pahayag. May angking galing o talinp upang makabuo ng isang akda pasulat man pasalita. 












2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Very informative and helpful

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nakakatulong sa mga mag-aaral patungkol sa asignaturang Filipino