KATUTURAN NG PAGBASA
- Ang pagbasa ay isang kognitibong proseso ng pagkuha, pagkilala, pag-unawa sa mga nakaimbak, nakasulat na impormasyon o ideya.
- Ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik na nakalimbag.
- Ang isang kompletong pagbasa ay binubuo ng isang persepsyon, pag-unawa, interpretasyon at aplikasyon o paggamit.
- James de Valentine (2000)- Ang pagbasa ay pinapagkain ng utak.
- Goodman- Ang pagbasa ay isang saykolinggwistik na panghuhula o kaisipang hango sa tekstong binasa/ Ang pagbasa ay isang " psycholinguistic guessing game" kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa.
- Coady- upang lubos na maunawaan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konseptong, kasaysayan, kaisipan mula sa mga naiprosesong inpormasyon sa binasa.
- Hank- Ang pagbasa bilang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagb ibigay ng interpretasyon dito.
- Bond at Tinker- Ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na nagiging istimuli upang maalala ang kahulugan na mga nakalimbag na kaalaman, karunungan mula sa karanasan ng mambabasa.
PROSESO NG PAGBASA
1. Persepyon- pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo2. Komprehensyon- pag-unawa sa tekstong binasa3. Reaksyon- paghahatol ng kawastuhan, kahusayan at halaga ng isang teksto4. Asimilasyon- integrasyon ng binasang teskto sa mga karanasan ng mambabasa.
PANANAW/ TEORYA SA PAGBASA
1. Bottom-Up➣ pagkilala sa salita kung saan ang teksto ang pinakapokus ng pagbasa➣Smith(1983)- tinatawag na outside-in o data driven sa dahilang ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa mambabasa kuni sa teksto(bottom) patungo sa mambabasa(up).2. Top-down➣ Gestalt- Ang pag-unawa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa (top) tungo sa teksto(down)3. Interaktib➣Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor sa pag-unawa rito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang kaisipan at dito nagaganap ang interaksyon ng mambabasa at awtor.4. Iskema➣Ayon sa teoryang ito, ang teksto, pasalita o pasulat man, lamang ng direksyon sa nakikinig o nagbabasa kung paano gagamitin o paano bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.➣dating kaalaman- background knowledge➣kayariang balangkas ng dating kaalaman- iskemata( maramihan ng iskema)
MGA URI NG PAGBASA
- Iskiming- isang mabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao na ang hinahangad ng mambabasa ay makuha ng buong kaispan ng isang teksto.
- Iskaning- paghahanap ng isang tiyak o partikular na impormasyon sa isang pahina.
- Interpreting- maipakita ang kaibahan ng pangunahin at sekondaryang ideya, malaman ang lahat ng tungkol sa teksto. Naihahambing ang kasalukuyang binabasa sa dati nang nabasa
- Predikting- Nahuhulaan ang maaaring kalabasan ng binabasa gamit ang mga klu sa teksto.
- Tahimik na pagbasa- uri ng pagbasa na gamit lamang ang mga mata at walang puwang ang paggamit ng bibig.
- Pasalitang Pagbasa- pagbasa na ginagamitan ng mata at bibig kaya may tunog ang pagsasalita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento