KAHULUGAN
- Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tanong na may layuning maipahayag ang kaisipan.
- Ito ay isang sistema para sa isang komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusukat/ inuukit sa isang makinis na bagay tulad ng papel, tela o malapad at makapal na tipak na bato.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
1. Bago Sumulat- pagpaplano at paghahanda ng pagsulat
2. Habang Nagsusulat- pagsulat ng burador o draft
3. Muling Pagsulat- pag-edit ng nagawang burador
URI NG PAGSULAT
1.Akademikong Pagsulat- mga komposisyong isinasagawa sa paaralan upang masukat ang kakayahan ng bata sa pagsulat.
2. Malikhaing Pagsulat- uri ng sulatin na imahinasyon ng manunulat ang gumagana upang makalikha ng karakter, senaryo o pangyayari upang bumuo ng kwento.
3. Teknikal na Sulatin- kinikilala bilang isang makapal, mabigat basahin at kung minsan ay mahirap maunawaan sa paggamit ng jargon at ibang teknikal na salita. Karaniwang ginagamit sa akademikong papel sa sensya, matematika, inhenyera, istalistiks, medisina atbp.
4. Journalistik- pampalimbagan sulatin na maaring balita, editoryal, literary, lathalain, sports, propaganda, magasin at iba pang pangpahayagang papel.
5. Referensyal- makikita sa mga artikulo, business report at sa spot o breaking front page news.
PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO
1. Paggamit ng akronim- mga letrang nagrerepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita.
halimabawa: fb- facebook, hs- high School
2. Pagpapalit sa mga arkayk na salita- mga salitang gamit sa matagal na panahon.
halimbawa: antipara- salamin, ingkong- lolo
3. Jargon- mga salitang kinikilala sa isang grupo ng mga tao na nasa parehong propesyon, na hindi sinasadyang naihihiwalay dahil sa ispesipiko lamang ang gamit nito
halimbawa: blog- tabop
4. Mix-mix na lengguwahe- pagsasama ng Tagalog at Ingles sa loob ng isang parirala o pangungusap ito rin ay pagsasama ng dalawa o higit pang salita upang makabuo ng bagong salita.
halimbawa: Why are you so tagal ba?, Taglish- Tagalog at English
5. Mga salitang nalikha dahil sa pangangailangan ng panahon
halimbawa: low batt, retoke
6. Eupemismo- paggamit ng mga malumanay na salita upang maging magaan ang pagtanggap sa halip na maaanghang na may tonong sekswal at pangit sa panlasa o pandinig.
halimbawa: comfort room- kubeta, tinatawag ng kalikasan- nadudumi
7. Eponims- mga salitang nalikha mula sa ngalan ng tao
halimbawa: Kathniel, Rizalista
8. Salitang nanganganak ng salita- isang salitang napaparami
halimbawa: dala-dalawa, kasa-kasama
9. Paggamit ng Numero- mga numerong may kahulugan
halimbawa: 123, 143, 150, 50-50
10. Paglikha ng Balbal
halimbawa: boploks, charot- joke lang!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento