KATUTURAN NG KOMUNIKASYON
- Webster (1974)- ito ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan
- Bernales, et. al (2003)- ito ay ang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
- Arrogante (2003)- ito ay pagpapalit-usap para kapwa makinabang ng kaalaman ang isat-isa nang di-nagkakalamangan.
URI NG KOMUNIKASYON:
Komunikasyong Berbal- komunikasyong ginagamitan ng wika, pasalita man o pasulat.Komunikasyong Di-berbal- uri ng komunikasyong hindi ginagamitan ng wika, kunid ginagamitan ito ng senyas, ekspresyon ng mukha ,simbolo atbp.
ANTAS NG KOMUNIKASYON
1.Komunikasyong Intrapersonal- pansarili at sa isang indibidwal lamanghalimbawa: repleksyon sa sarili2. Komunikasyong Interpersonal- nagagawa ng dalawang tao o higit pa.halimbawa: interaksyon ng isang mamimili at ng isang tindera3. Komunikasyong Pangpubliko- ito ay sa pagitan ng isang tao at isang malaking grupo ng mga tao.halimbawa: pangangampanya ng isang kumakandidato sa mga mamamayan4. Komunikasyong Pang-midya- pagtanggap o pagpapadala ng mensahe na ginagamitan ng midyahalimbawa: balita sa radyo, pahayagan at telebisyon.
LAYUNIN NG KOMUNIKASYON
- Magbigay ng daan tungo sa pag-uunawan ng mga tao
- Makapagkalat ng tamang impormasyon at kapaki-pakinabang na kaalaman.
- Mabigyang-diin ang mga isyung panglipunan na dapat talakayin at suriin ng mamamayan
- Kalayaang maipahayag ang ibat-ibang kaisipan, damdamin at saloobin ng tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento