Miyerkules, Agosto 24, 2022

ANG RETORIKA TUNGO SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG

 KAHULUGAN AT PINAGMULAN NG RETORIKA

  • Ang retorika ay mula sa salitang Griyego na "rhetor" na ang ibig sabihin ay "guro" o isang mahusay na mananalumpati o "orador".
  • Ito ay tumutukoy sa sining at agham maging pasalita o pasulat na pagpapahayag sa tulong ng wasto at makabuluhang paggamit ng wika, kaagapay ng mabisang estilo at masining na pagpapahayag.
  • Nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa isang isla ng Syracuse sa bansang Sicily noong ika-5 siglo bago pa dumating si Kristo.
  • Corax- siya ang nagpanukala kung paano ilahad ang kanilang argumento upang makuha ang simpatya ng mga tagapakinig kaya kailangang may maayos at sistematikong paglalahad ng mga pangangatwiran.
  • Socrates- binigyan niya ng kahulugan ang retorika bilang isang siyensya o agham ng panghihimok o panghihikayat.
  • Cicero- isang batikang orador at hayagang nagsabi na ang pagtalakay sa anumang mithiin na nakabatay sa mabuting panlasa at pagpapasya ng mananalumpati.
  • Aristotle- sinuri niya ang sining ng panghihikayat.
  • Demosthenes- tinaguriang pinakaharing orador sa Griyego.
ANG BAGONG RETORIKA
  • Jose Villa Panganiban- ang retorika ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa.
  • Simpilicio Bisa- ayon sa kanyang libro, ang retorika ay mabisa at maganang pagpapahayg na sumasaklaw sa maraming sangkap na may kaugnayan sa pagsulat, gaya ng pananalita, istraktura at kalinawan ng pagpapahayag. Ang retorika ay sining o agham sa pagsulat ng kathang pampanitikan.
  • Sebastian- ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsulat at pagsasalita.
  • Venacio Mendiola- ang kaayusan ng salita ay idinidikta ng gramatika at ang pagpili ng salita ay retorika. 

MGA SANGKAP NG RETORIKA
    1. Kaisipang nais ipahayag. mahalagang kaisipan na nais nating maipaabot sa ating tagapakinig.
    2. Pagbuo ng mga Pahayag o organisasyon. Kailangang magkaroon ng lohiko ang pagsasamahing mga pahayag sa pamamagitan ng mga salita at mga pangungusap na nagkakatulong-tulong upang mabuo ang isang diwa. Bawat talata ay kailangang may kaugnayan sa isat-isa.
    3. Ang Istilo ng Pagpapahayag. Estilo na may kinalaman sa pagkakaiba-iba ng bawat indibidwal sa mga paraan ng kanilang pagpapahayag.

KATANGIAN NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG
  1.  Kalinawan sa diwa ng isinusulat o isinasalita sa tulong ng mga piling salita.
  2. Angkop sa daloy ng pahayag ang mga salitang ginamit na nilapitan ng tamang gramatika.
  3. Sapat ang pahayag upang mapanatili ang kawilihan ng mambabasa.
  4. Napaguugnay-ugnay ang dating kaalaman sa bagong natutunang kaalaman ng mambabasa.
  5. Tiyak ng mambabasa ang kabuuang diwa ng pahayag sa tulong ng piling salita at tamang gramatika sa paksang tinalakay.
SAKLAW NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG
  1. Tao- nakikinig o bumabasa sa isinulat o ipinahayag ng isang manunulat o nagpapahayag.
  2. Kasanayan ng manunulat- ang kasanayang pansarili ng manunulat ay makakatulong upang magkaroon ng sining ang mabisang pagpapahayag.
  3. Wika- ito ay isang instrumento upang maipakita ang angking talino at galing ng isang manunulat sa pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman at ideya gamit ang kanyang kagalingan sa wika kaya't napakamapangyarihan nito.
  4. Kultura- kaakibat ng wika ay kultura, sumasalamin sa mga salita, simbolo ang paniniwala, tradisyon, kaugalian, awit at lalong-lalo na ang wika sa akda na nalikha ng isang manunulat.
  5. Pilosopiya- upang mapangatwiranan at mapaniwala ang mambabasa ipinapahayag ng manunulat ang sariling pilosopiya o ng iba na mapag-aangklahan ng ipinapahayag nito.
  6. Sining- Pumapasok dito ang taglay na pagkamalikhain ng isang gumagawa ng isang masining na pahayag. May angking galing o talinp upang makabuo ng isang akda pasulat man pasalita. 












KAHULUGAN, URI NG PAGSULAT AT IBAT-IBANG PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO

 KAHULUGAN

  • Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tanong na may layuning maipahayag ang kaisipan.
  • Ito ay isang sistema para sa isang komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusukat/ inuukit sa isang makinis na bagay tulad ng papel, tela o malapad at makapal na tipak na bato.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
1. Bago Sumulat- pagpaplano at paghahanda ng pagsulat
2. Habang Nagsusulat- pagsulat ng burador o draft
3. Muling Pagsulat- pag-edit ng nagawang burador 

URI NG PAGSULAT
1.Akademikong Pagsulat- mga komposisyong isinasagawa sa paaralan upang masukat ang kakayahan ng bata sa pagsulat.
2. Malikhaing Pagsulat- uri ng sulatin na imahinasyon ng manunulat ang gumagana upang makalikha ng karakter, senaryo o pangyayari upang bumuo ng kwento.
3. Teknikal na Sulatin- kinikilala bilang isang makapal, mabigat basahin at kung minsan ay mahirap maunawaan sa paggamit ng jargon at ibang teknikal na salita. Karaniwang ginagamit sa akademikong papel sa sensya, matematika, inhenyera, istalistiks, medisina atbp.
4. Journalistik- pampalimbagan sulatin na maaring balita, editoryal, literary, lathalain, sports, propaganda, magasin at iba pang pangpahayagang papel.
5. Referensyal- makikita sa mga artikulo, business report at sa spot o breaking front page news.

PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO
1. Paggamit ng akronim- mga letrang nagrerepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita.
halimabawa: fb- facebook, hs- high School

2. Pagpapalit sa mga arkayk na salita- mga salitang gamit sa matagal na panahon.
halimbawa: antipara- salamin, ingkong- lolo

3. Jargon- mga salitang kinikilala sa isang grupo ng mga tao na nasa parehong propesyon, na  hindi sinasadyang naihihiwalay dahil sa ispesipiko lamang ang gamit nito
halimbawa: blog- tabop

4. Mix-mix na lengguwahe- pagsasama ng Tagalog at Ingles sa loob ng isang parirala o pangungusap ito rin ay pagsasama ng dalawa o higit pang salita upang makabuo ng bagong salita.
halimbawaWhy are you so tagal ba?,  Taglish- Tagalog at English

5. Mga salitang nalikha dahil sa pangangailangan ng panahon
halimbawa: low batt, retoke

6. Eupemismo- paggamit ng mga malumanay na salita upang maging magaan ang pagtanggap sa halip na maaanghang na may tonong sekswal at pangit sa panlasa o pandinig.
halimbawa: comfort room- kubeta, tinatawag ng kalikasan- nadudumi 

7. Eponims- mga salitang nalikha mula sa ngalan ng tao
halimbawa: Kathniel, Rizalista

8. Salitang nanganganak ng salita- isang salitang napaparami 
halimbawa: dala-dalawa, kasa-kasama

9. Paggamit ng Numero- mga numerong may kahulugan 
halimbawa: 123, 143, 150, 50-50

10. Paglikha ng Balbal 
halimbawa: boploks, charot- joke lang!

Sabado, Agosto 13, 2022

KATUTURAN, TEORYA AT URI NG PAGBASA

KATUTURAN NG PAGBASA

  • Ang pagbasa ay isang kognitibong proseso ng pagkuha, pagkilala, pag-unawa sa mga nakaimbak, nakasulat na impormasyon o ideya.
  • Ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik na nakalimbag.
  • Ang isang kompletong pagbasa ay binubuo ng isang persepsyon, pag-unawa, interpretasyon at aplikasyon o paggamit.
  • James de Valentine (2000)- Ang pagbasa ay pinapagkain ng utak.
  • Goodman- Ang pagbasa ay isang saykolinggwistik na panghuhula o kaisipang hango sa tekstong binasa/  Ang pagbasa ay isang " psycholinguistic guessing game" kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa.
  • Coady- upang lubos na maunawaan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konseptong, kasaysayan, kaisipan mula sa mga naiprosesong inpormasyon sa binasa.
  • Hank- Ang pagbasa bilang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagb ibigay ng interpretasyon dito.
  • Bond at Tinker- Ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na nagiging istimuli upang maalala ang kahulugan na mga nakalimbag na kaalaman, karunungan mula sa karanasan ng mambabasa.
PROSESO NG PAGBASA
1. Persepyon- pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo
2. Komprehensyon- pag-unawa sa tekstong binasa
3. Reaksyon- paghahatol ng kawastuhan, kahusayan at halaga ng isang teksto
4. Asimilasyon- integrasyon ng binasang teskto sa mga karanasan ng mambabasa.

PANANAW/ TEORYA SA PAGBASA
1. Bottom-Up 
➣ pagkilala sa salita kung saan ang teksto ang pinakapokus ng pagbasa
Smith(1983)- tinatawag na outside-in o data driven sa dahilang ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa mambabasa kuni sa teksto(bottom) patungo sa mambabasa(up).
2. Top-down
Gestalt- Ang pag-unawa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa (top) tungo sa teksto(down)
3. Interaktib
➣Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor sa pag-unawa rito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang kaisipan at dito nagaganap ang interaksyon ng mambabasa at awtor.
4. Iskema
➣Ayon sa teoryang ito, ang teksto, pasalita o pasulat man, lamang ng direksyon sa nakikinig o nagbabasa kung paano gagamitin o paano bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.
dating kaalaman- background knowledge
➣kayariang balangkas ng dating kaalaman- iskemata( maramihan ng iskema)

MGA URI NG PAGBASA
  • Iskiming- isang mabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao na ang hinahangad ng mambabasa ay makuha ng buong kaispan ng isang teksto.
  • Iskaning- paghahanap ng isang tiyak o partikular na impormasyon sa isang pahina.
  • Interpreting- maipakita ang kaibahan ng pangunahin at sekondaryang ideya, malaman ang lahat ng tungkol sa teksto. Naihahambing ang kasalukuyang binabasa sa dati nang nabasa
  • Predikting- Nahuhulaan ang maaaring kalabasan ng binabasa gamit ang mga klu sa teksto.
  • Tahimik na pagbasa- uri ng pagbasa na gamit lamang ang mga mata at walang puwang ang paggamit ng bibig.
  • Pasalitang Pagbasa- pagbasa na ginagamitan ng mata at bibig kaya may tunog ang pagsasalita.

Biyernes, Agosto 12, 2022

KAHULUGAN, URI AT ANTAS NG KOMUNIKASYON

KATUTURAN NG KOMUNIKASYON

  • Webster (1974)- ito ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan
  • Bernales, et. al (2003)- ito ay ang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
  • Arrogante (2003)- ito ay pagpapalit-usap para kapwa makinabang ng kaalaman ang isat-isa nang di-nagkakalamangan.
URI NG KOMUNIKASYON:
Komunikasyong Berbal- komunikasyong ginagamitan ng wika, pasalita man o pasulat.
Komunikasyong Di-berbal- uri ng komunikasyong hindi ginagamitan ng wika, kunid ginagamitan ito ng senyas, ekspresyon  ng mukha ,simbolo atbp.

 

 ANTAS NG KOMUNIKASYON
1.Komunikasyong Intrapersonal- pansarili at sa isang indibidwal lamang
halimbawa: repleksyon sa sarili
2. Komunikasyong Interpersonal- nagagawa ng dalawang tao o higit pa.
halimbawa: interaksyon ng isang mamimili at ng isang tindera
3. Komunikasyong Pangpubliko- ito ay sa pagitan ng isang tao at isang malaking grupo ng mga tao.
halimbawa: pangangampanya ng isang kumakandidato sa mga mamamayan
4. Komunikasyong Pang-midya- pagtanggap o pagpapadala ng mensahe na ginagamitan ng midya
halimbawa: balita sa radyo, pahayagan at telebisyon.

LAYUNIN NG KOMUNIKASYON

  1. Magbigay ng daan tungo sa pag-uunawan ng mga tao
  2. Makapagkalat ng tamang impormasyon at kapaki-pakinabang na kaalaman.
  3. Mabigyang-diin ang mga isyung panglipunan na dapat talakayin at suriin ng mamamayan
  4. Kalayaang maipahayag ang ibat-ibang kaisipan, damdamin at saloobin ng tao.