Linggo, Setyembre 18, 2022

MGA HALIMBAWA NG IDYOMA

 
Idyoma
        ito ay matalinhagang pahayag o ang kahulugan ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita. Tinatawag din itong sawikain sa ating wika. Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng idyoma dahil ang diwa  ng pangungusap ay kailangan ng malalim na pang-unawa, kaya't nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na kilitiin ang kanilang isipan upang matutunan ang kahulugan ng idyoma.


Abo ang laman ng ulo

Walang nalalaman

Alimuom

Tsismis

Anak-pawis

Mahirap

Babaha ng dugo

Malaking gulo

Bahag ang buntot

Takot

Balat sibuyas

Maramdamin

Basa ang papel

Masama ang Record

Basang sisiw

Kawawa

Batak ang katawan

Malakas

Bilugin ang ulo

Lukohin

Bukang Bibig

Madalas banggitin

Bukas na aklat

Alam ng lahat

Biniyak na bunga

Magkamukha

Bugtong na anak

Kaisa-isang anak

Buhatin ang sariling bangko

Purihin ang sarili

Bulaklak ang dila

Pangungusap na mataimtim

Buo ang loob

Malakas ang loob

Kalamayin ang sarili

Ipanatag ang isip

Kinakalawang na

Laos na

Kinukulili ang tainga

Pagkayamot sa sinsabi

Kisap-mata

Sandali

Kumukulo ang dugo

Nagagalit

Kusang-palo

Kusang paggawa

Kutong lupa

Maliit na tao

Di makabasag-pinggan

Napakabait

di maliparang uwak

Napakalawak na lupa

Gasgas ang bulsa

Malaki ang gastos

Halang ang bituka

Walang takot na mamatay

Hampas ng langit

Parusa ng Diyos

Hampas Lupa

Dukha o palaboy

Hindi gawang biro

Lubhang mahirap

Hulog ng langit

Kapalaran o swerte

Humahalik sa yakap

Sumasamba

Hunos-dili

Pagpipigil sa sarili

Igagapang

Itataguyod

Ihatid sa dambana

Pakasalan

Ililibing sa limot

Kalimutan

Ilista sa tubig

Utang na hindi nabayaran

Isang bakol na mukha

nakasimangot

Isang kahig, isang tuka

Ang sweldo ay husto lamang para sa isang kainan