Linggo, Oktubre 23, 2022

ANG NOBELANG PILIPINO


    Nobela

akdang pampanitikan na nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo at nahahati ito sa mga kabanata. Naglalahad ang nobela ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas. Ito ay tinatawag din sa wikang Tagalog na Kathambuhay. “Katha” sapagkat likha ng panulat at “buhay” dahil ang mga kasaysayang isinalaysay ay gawa ng isip na hango sa pangyayari sa tunay na buhay.

Elemento ng Nobela:

1.Tagpuan – lugar at panahon na pinangyarihan ng kuwento

2.Tauhan – nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela

3.Banghay – pagkasunod-sunod na pangyayari

4.Pananaw – panauhang ginamit ng may-akda sa nobela

a.       Una – kasali ang may-akda sa kuwento

b.       Pangalawa – ang may-akda ay nakikipag-usap

c.       Pangatlo – batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

5. Tema – paksang-diwa na binibigyan ng diin sa nobela

6. Damdamin – nagbibigay kulay sa pangyayari

7. Pamamaraan – istilo ng maunulat

8. Pananalita – diyalogong ginagamit sa nobela

9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa mga tauhan, bagay o pangyayarihan ng kuwento

Mga Uri ng Nobela:

1. Nobelang Romansa – ukol sa pag-iibigan

2. Kasaysayan – nobelang binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na.

3. Nobelang Masining – paglalarawan sa katangian ng tauhan at pagkasunod-sunod ng mga pangyayari na ikinawiwili ng mga mambabasa.

4. Layunin – ang pokus ng nobela ay ang mga layunin at mga simulain na mahalaga sa buhay ng tao

5. Nobelang Banghay – isang akda nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang kinawiwili ng mga mambabasa

6. Nobelang Tauhan – binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng mga pangunahing tauhan, mithiin, sitwasyon at pangangailangan sa storya.

7. Nobelang Pagbabago – ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng buhay o sistema mapalipunan man o sa sarili.

Sangkap ng Nobela:

✔ Kasaysayan o Kuwento – Paglalahad ng pangyayari na magbubukas sa kamalayan ng mga mambabasa sa mga naganap sa isang tiyak na panahon.

✔ Isang Pag-aaral – ang nilalaman nito ay nangangailangan ng masusing pagmamasid sa kapaligiran at pananaliksik sa napiling paksa ng akda

✔ Paggamit ng Imahinasyon – nakakatulong upang mapalutang ang kasiningan ng isang nobela at natutuklasan ng manunulat ang kanyang sariling istilo sa pagsulat sa pamamagitan ng malawak na imahinasyon.

✔ Kawilihan – kinakailangan na sa simula pa lamang ay makuha na ang atensyon ng mambabasa upang sa gayon ay mapanatili ang kanilang kawilihan sa pagbasa ng nobela. Nagbubukas din ito sa mambabasa ng masigasig na isipan.

Balangkas ng Nobela:

Kumbensyunal o Linear – ang balangkas ng kuwento ay sumusunod sa kaayusang (Simula-Gitna-Wakas). Nalalaman ang wakas ng kuwento sa pagbasa pa lamang ng simula nito.

✅ Paikot-ikot o Circular – sa pamamagitan ng pampanitikang teknik ay napagiiba-iba ang ayos kaayusan ng mga bahagi. Maaaring magsimula ang kuwento sa (Gitna-Simula-Wakas) o kaya naman ay (Wakas-Simula-Gitna). Kung hindi babasahing mabuti ay malilito sapagkat hindi malalaman ay kapupuntahan ng nobela.