Miyerkules, Hunyo 29, 2022

KATUTURAN, PANANAW, KAHALAGAHAN, TUNGKULIN AT TEORYA NG WIKA

KATUTURAN NG WIKA

  • Gleason (1983) - masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo. 
  • Hill (1976)- pinakaelaboreyt na anyong simbolikong gawaing pantao. 
  • Webster (1974)- sistema ng komunikasyon sa pagitan ng tao sa anyong pasalita, pasulat o simbulo.

 

PANANAW SA WIKA 

  • Jose Rizal- ang wika ay kaisipan ng mamamayan. 

  •  Abadilla, Bayani (2002)- malaki ang nagagawa ng wika sa paghugis ng kamalayan .

  •  David (1999)- walang matayog mahirap at abstraktong kaisipan na hindi maaaring ihayag sa sariling wika. 

  • Austero et.al (2008)- galing sa binuong kahulugan o larawan ng kapaligiran ang mga salitang binibitawan. 

  • Wardhaugh (1968), Nielsen (1990)- ang wika ay nakabatay sa kasarian. 

  • Hudson (1967)- ang wika ay nakabatay sa karaniwang kasarian. 

  •  Bemstein (1971)- nakabatay sa gamit ng lipunan.

 

 KAHALAGAHAN NG WIKA

    👉instrumento ng komunikasyon

    👉nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalama

    👉nagbubuklod ng bansa

    👉lumilinang ng malikhaing pag-iisip

 

 TUNGKULIN NG WIKA 

  • Interaksyunal- nakapagpanatili/ nakapagpapatatag ng relasyong sosyal 

  • Instrumental-  tumutugon sa pangangailangan 

  • Regulatori- kumukontrol at gumagabay sa kilos ng iba  

  • Personal-  nakapagpahayag ng sariling damdamin o opinyon 

  • Imahinatibo- nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan 

  • Heuristik- naghahanap ng impormasyon 

  • Impormatibnagbibigay ng impormasyon

 

TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

a. Teoryang Siyentipiko:
1. Teoryang Bow-wow - nagmula ang wika sa panggagaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan.
2. Teoryang Pooh-pooh - nalikha bunga ng mga masidhing damdamin ng tao gaya ng sakit, tuwa, sarap, takot, pagkabigla atbp.
3. Teoryang Yo-he-ho - nagmula sa pwersang pisikal ng tao.
4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay - nag-ugat sa mga tunog na nililikha ng mga tao  sa kanilang ritwal.
5. Toeryang Tata - nagmula sa panggagaya ng dila sa kumpas o galaw ng kamay ng tao.
6. Teoryang ding-dong- nagmula sa panggagaya ng mga tao sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay sa kalikasan at maging ang mga bagay na likha ng tao.
7. Teoryang Yum-yum - nagmula ang wika sa tunog na nalilikha kapag kumakalam ang sikmura ng tao.

b. Teoryang Biblikal:
Biblikal na Pananaw- ang wika ay kalooban ng Diyos at ang pagkakaiba ng wika ay isinalaysay sa Kuwento ng Tore ng Babel.
Teoryang Pentecostes- nagmula sa pagsanib ng espiritu sa kaluluwa; may isang bolang apoy na bumaba sa lupa at ito ay ang espiritu na sumanib sa mga tao at biglang nawala sila ng malay, pagkagising ay nagkaroon na ng ibat-ibang wika.

Tatlong Hari na Nag-eksperimento ng Wika:
1. Haring Psamtik ng Ehipto
    -nagpatawag ng nagpapastol at ipinadala ang isang sanggol sa pastolan
    -unang naisalita ng bata ay ang "beco"- o sa Turkey ay (becos) o tinapay
    -becko (bubbling) paglalaro lamang ng labi 
2. Haring Frederick ng Roma
    -nagpatawag ng babae, nagpadala ng sanggol at pumunta sa isang lugar na walang tunog at pinagbawal na magsalita ang babae.
3. Haring James IV ng Scotland
    -nagpatawag ng babae at 2 sanggol, pinapunta sa isang isla at doon ay pinagamit na ng wikang Hebreo.
    -natutunan ng 2 bata ang wikang Hebreo