Bahagi ng Maikling Kuwento
- Simula - dito matatagpuan ang tauhan, tagpuan at suliranin ng kuwento. Ipinakikilala ang mga tauhang magsisiganap at ang kanilang papel na gagampanan. Maaring pangunahing tauhan, kontrabida o suportang tauhan sa storya. Nakasaad sa tagpuan ang pinangyarihan ng aksyon at panahon kung kailan naganap ang kuwento. Sa bahagi ng suliranin mababasa ang problema na kakaharapin ng mga tauhan.
- Gitna - binubuo ng panggitnang bahagi ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan. Makikita ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang na masasangkot sa suliranin. Kababasahan ng pakikipagtunggali ng tauhan na maaaring laban sa kapwa, kalikasan o sa sarili. Ang kasukdulan na pinakamadulang bahagi, dito malalaman kung makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang pinaglalaban.
- Wakas - binubuo ng kakalasan at katapusan, dito nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa kasukdulan. Ito ang bahagi na kababasahan ng resolusyon ng kuwento, maaaring masaya ito o malungkot. Kung minsan ang wakas ng kuwento ay hindi kababasahan ng kakalasan o katapusan, hinahayaan ng may-akda ng kuwento na ang mambabasa ang gumawa ng kahihinatnan ng storya. Sila ang huhusga o hahatol sa magiging wakas ng kuwento ng mga tauhan sa kuwento.
Elemento ng Maikling Kuwento
- Panimula - dito pinakikilala ang mga ibang tauhan na magsisipagganap sa kuwento. Nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa sa panimulang bahagi kaya't kinakailangang itong makapukaw sa atensyon ng mga babasa.
- Tauhan - ang mga magsisipagganap sa kuwento
- Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinagganapan ng mga askyon o insidente at ang panahon kung nangyari ang kuwento.
- Suliranin - ito ang problemang kakaharapin ng mga tauhan.
- Saglit na Kasiglahan - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan na masasangkot sa suliranin
- Tunggalian - Ang naglalabang pwersa sa kuwento. (May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan at tao laban sa kalikasan o kapaligiran.)
- Kasukdulan - malalaman kung makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang pinaglalaban.
- Kakalasan - tulay sa wakas ng kuwento
- Resolusyon - kahihinatnan ng storya, maaring masaya, malungkot, pagkatalo o pagkapanalo ng pangunahing tauhan.
- Paksang diwa - pinaka-kaluluwa ng maikling kuwento
- Kaisipan - mensahe ng kuwento
- Banghay - ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayayari.