Kahulugan ng Maikling Kuwento
- maikling katha na nagsasalaysay ng pangaraw-araw na buhay may tauhan, pangyayari at isang kakintalan.
- Isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at bungang-isip na hango sa tunay na pangyayari sa buhay na nagpapakita ng isang makabulugang bahagi ng buhay ng tao -Edgar Allan Poe ( Ama ng Maikling Kuwento)
- Mitolohiya - salaysay tungkol sa ibat-ibang diyos na pinaniniwalaan ng sinaunang katutubo nananalig at naniniwala sa mga anito. Kwento sa pinagmulan ng daigdig, diyos at diyosa at mahihiwagang likha.
- Alamat - salaysay sa pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari atbp na pinalulutang din ang aral sa buhay.
- Pabula - kuwento na ang pangunahing tauhan ay mga hayop. Isang kathang-isip ngunit naghahatid ng mahahalagang mensahe at aral sa buhay.
- Parabula - salaysay na hango sa Bibliya, tungkol sa moral at ispiritwal na pamumuhay ng mga tao na ang paglalahad ay patalinhaga.
- Kuwentong Bayan - salaysay tungkol sa pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin, at kultura ng isang lipi.
- Anekdota - nagsasalaysay ng isang pangyayaring katawa-tawa sa buhay ng isang kilalang tao na kapupulutan ng mga aral sa buhay.
- Kuwentong Tauhan - Ang pokus ng kuwento ay nasa pangunahing tauhan o mga tauhang nagsisipagganap. Inilalarawan ang pangyayaring pangkaugalian upang lubos na maunawaan ng mambabasa ang kabuuan ng kuwento.
- Kuwentong Katutubong Kulay - Ang tuon ng kuwento ay tungkol sa pinangyarihan, kaugalian, pananamit at hanap buhay ng mga tauhan sa nasabing pook.
- Kuwentong Katatawanan - layunin ng kuwentong ito na magpatawa at bigyang-aliw ang mambabasa.
- Kuwentong Sikolohikal - Uri ng kuwento na inilalarawan ang pag-iisip ng isang tao o ng tauhan upang maipadama sa mambabasa ang damdamin sa harap ng isang pangyayari.
- Kuwentong Science Fiction - mula sa mayamang imahinasyon ng manunulat na ang mga tauhan ay may suliraning makakaharap na may mapapanghawakang maka-agham na paniniwala.