A. Salawikain- nakasulat sa anyong patula kaya ito ay may sukat at tugma. Matalinhagang pahayag dahil hindi tahasang sinasabi ang tunay na kahulugan. Mayaman ito sa kagandahang asal at kadalasang malalaman o matututunan mula sa bibig ng mga matatanda.
Halimbawa: Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.
Kahulugan: Ang isang taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob o umalala sa mga taong tumulong sa kanya ay mahihirapang magtagumpay sa buhay.
B. Sawikain- nagsasaad din ng kagandang-asal ngunit hindi kasinglalim ng ipinapahayag sa salawikain. Mga tanging paalala sa araw-araw sa mga taong nakakalimot ng kagandahang asal.
Halimbawa: Matutong mamaluktot kung maikli ang kumot
Kahulugan: Kung ang kinikita sa paghahanap-buhay ay tama lamang para sa mga gastusin sa araw-araw huwag gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan. Kung ano man ang mayroon o nandyan ay pagkasyahin at makuntento.
C. Kasabihan- kadalasang anyong patula na isa o dalawa ang taludtod na may sukat at tugma. Payak ang kahulugan at masasalamin ang kilos, ugali at gawi ng isang tao. Karaniwang ginagamit sa mga tuksuhan ng mga bata.
Halimbawa: Sa kapipili, ang nakuha ay bungi.
Kahulugan: Ang tanong mapaghanap at hindi nakukuntento ang nakukuha sa huli ay kamalasan o pangit.
D. Idyoma- ito ay matalinhagang pahayag o ang kahulugan ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita. Tinatawag din itong sawikain sa ating wika. Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng idyoma dahil ang diwa ng pangungusap ay kailangan ng malalim na pang-unawa, kaya't nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na kilitiin ang kanilang isipan upang matutunan ang kahulugan ng idyoma.
Halimbawa: nanininggalang pugad - nanliligaw
E. Bulong- isang panalanging binuhay upang makamtan o upang mabago ang mangyayari sa hinaharap.
Halimbawa: Supla balis, supla gahoy
Kahulugan: Karaniwan sinasabi o ipinapahayag sa mga bata upang hindi malapitan ng negatibong enerhiya o iiwas sa mga sakit.
F. Bugtong- isang pahayag na may kinalaman sa larawan ng isang bagay. Kailangang mag-isip upang malaman kung ano ang katumbas na bagay na ipinahayag. Ginagamit nila ang mga bagay na nakikita nila sa araw-araw o may kaugnayan sa kanilang buhay.
Halimbawa: Munting bundok, Di madampot ( sagot: ipot)
G. Tayutay- Salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang diin ang isang kaisipan o damdamin at gumagamit ng talinghaga o di karaniwang salita sa paraan ng pagpapahayag.
✅Para sa ibat-ibang uri ng tayutay bisitahin ang link na ito.
https://akademikongfilipino.blogspot.com/2022/09/kahulugan-at-mga-uri-ng-tayutay-figure.html