Linggo, Setyembre 11, 2022

ANG PAGSULAT NG KOMPOSISYON

 KAHULUGAN NG KOMPOSISYON

  • Ang komposisyon ay mga hinabing kaisipan tungkol sa isang paksa. Ito ay may tatlong bahagi, ang panimula, gitna at wakas.
  • Nagtataglay ang isang komposisyon ng paksang pangungusap, may isang diwa, kaisahan, kaayusan, sapat na haba, may wastong kayarian ng pangungusap at maayos na ugnayan ng mga ideya.
URI NG KOMPOSISYON:
1. Deskriptibo- uri ng komposisyon na may layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, o pangyayari. Ang paglalarawan ay maaaring tuwiran o hindi. May dalawang uri ng deskriptibong komposisyon;

a. Karaniwan o Obhetibo- maibigay ang karaniwang ayos at ang anyo na nailalarawan sa limang pandama; panlasa, pandinig, paningin, panalat at pang-amoy.

b. Masining o Subhetibo- may layuning mapagalaw ang guni-guni ng mambabasa upang maipakita ang larawan ng pandama, damdamin at kaisipan ng naglalarawan.

2. Naratibo- layunin ng komposisyon ito ang magkuwento at maglahad ng mga pangyayari at ang epektibong naratibo ay nagpapagana ng imahinasyon ng mga mababasa.

3.Ekspositori- Ito ay naglalahad ng mga impormasyon at mga ideya. Tungkulin ng isang manunulat na gagawa ng isang komoposisyong ekspositori na magbigay ng malinaw at maayos na impormasyon.

4. Argumentatibo- uri ng komposisyong may layuning ilahad ang iyong panuto o paninindigan sa isang isyu o paksa.


KOMPOSISYONG POPULAR

1. Islogan- isang kasabihan o "motto" na may kaaki-akit na mga salita upang mapadali at maalala ang impormasyon itinaguyod ng isang kumpanya o mga aktibista

2. Manipesto- lanatarang pahayag o deklarasyon ng isang tao o grupo kadalasang makikita tuwing inagurasyon ng pangulo.

3. Patalastas- pahayag na pangmadla na nakasulat sa karatula o nakabroadcast sa telebisyon at mga radyo na pinopondohan.

4. Awitin- kadalasang nasa anyong tula at tumtugma ang mga salita sa mga awitin. May tono at sukat at naglalaman ng isang awitin na ginagampanan o itinatanghal

5 Komiks- isang maliit na seryeng aklat ng mga kwetong nakaguhit o larawan. Ito rin ay grapikong midyum ng mga salita o larawan na ginagamit upang magkwento.


KOMPOSIYONG PERSONAL

1. Talaarawan- tinatawag na diary sa Ingles, komposisyong pangsarili na naglalaman ng mga pang araw-araw na pangyayari sa buhay ng tao na nakaayos ayon sa petsa kung kailan ito naisulat.

2. Talambuhay- Biography sa salitang Ingles na ang nilalaman ay kwento o kasaysayan ng buhay ng taong pinapaksa. Ang talambuhay ay mula sa dalawang salita na 'tala' at 'buhay' 

     Dalawang uri ng Talambuhay:

    1. Talambuhay ng ibang tao( biography) - kasaysayan o kuwento ng buhay ng isang tao na isinulat ng iba.

    2. Talambuhay na Pansarili( Autobiography) - ang nagsasalaysay at awtor ay ang sumulat ng kanyang sariling buhay o kuwento.


KOMPOSISYONG LITERARI

1. Anekdota- isang akdang tuluyan na tumatalakay sa mga nakakatawang pangyayari na naganap sa isang kilala o sikat na tao. Ito ay may 2 uri: kathang isip at hango sa totoong buhay.

2. Editoryal- artikulo na naisulat ng isang editor na tumatalakay sa mahahalagang balita upang pumuna, manuligsa, pumuri, magpaunawa o magturo sa mga mamamayan o sa mga kinauukulan.