Lunes, Hulyo 11, 2022

BAHAGI NG PANANALITA (Part of Speech)


A. PANGNGALAN- nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay, pook, hayop at pangyayari
Uri ng Pangngalan:
1. Pambalana- tumutukoy sa pangkalahatang pangalan at isinusulat sa maliit na titik.
 halimbawa: bansa, pangulo
2. Pantangi- tanging pangalan at nagsisimula malalaking titik 
halimbawa: Pilipinas, Pangulong Bongbong Marcos 
B. PANGHALIP- mga salitang humahalili o pumapalit sa mga pangngalan
Uri ng Panghalip:
1. Panao- panghalili sa ngalan
 ng tao.
halimbawa: siya, ako, sila
2. Paari- nagsasaad ng pagmamay-ari ng tao
 
halimbawa:akin, kanila, kanya
3. Pamatlig- ginagamit sa pagtuturo ng anumang bagay
 
halimbawa: dito, diyan, ganito
4. Panaklaw- sumasaklaw sa dami
 
halimbawa: Isa, marami, lahat
C. PANG-URI- naglalarawan sa Pangngalan at Panghalip
Uri ng Pang-uri:
1. Panlarawan- anyo, laki, lasa, amoy, hugis atbp.
 
 halimbawa: Mabango ang bulaklak na rosas.
2. Pamilang- dami o bilang 
 halimbawa: Marami ang napitas na mangga ni Mang Anton.
3. Pantangi- anyong pangngalang pantangi na naglalarawan 
 halimbawa: Pinakagusto ko sa lahat ng Ppop group ay ang SB19.
Kayarian ng Pang-uri:
1. Payak- salitang ugat
 
 halimbawa: talino, ganda, sipag
2. Maylapi- kombinasyon ng salitang ugat at panlapi 
 halimbawa: matalino, maganda, masipag
3. Inuulit- Paguulit ng salitang ugat o pang-uring maylapi 
 halimbawa: matalinong matalino, magandang maganda, masipag na masipag
4. Tambalan- binubuo ng dalawang magkaibang salita 
 halimbawa: magandang-araw, silid-aklatan
Kaantasan ng Pang-uri:
1. Lantay- simpleng paglalarawan
 sa isang pangngalan o panghalip
 Halimbawa: Siya ay matalino.
2. Pahambing- Naghahambing ng katangiang ng dalawang pangngalan o panghalip 
halimbawa: Mas magaling sumayaw si Ken kaysa kay Josh. 
3. Pasukdol- sukdulang paglalarawan o katangiang nakakahigit  
 halimbawa: Pinakamagaling sumayaw si Ken sa grupo ng SB19.
D. PANDIWA- salitang nagsasaad ng kilos o galaw
Aspekto Pandiwa:
1. Perpektibo- naganap na ang kilos
* Katatapos lang- katatapos lang ang kilos/ nagsisimula sa pantig na "ka"
2. Imperpektibo- nagaganap ang kilos
3. Kontemplatibo- magaganap pa lamang ang kilos
E. PANG-ABAY- mga salitang naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa pang-abay
halimbawa: Nagaaral siyang mabuti. F. PANG-UGNAY- salitang ginagamit upang mapagugnay-ugnay ang mga salita
Uri ng Pang-ugnay:
1. Pangatnig- dahil, subalit, ngunit, datapwa't
2. Pang-ukol- ukol sa, ukol Kay, para sa, Laban sa, tungkol sa, tungkol kay
3. Pang-angkop- na, ng, -g