Biyernes, Hulyo 1, 2022

KATANGIAN NG WIKA

 

    1. ANG WIKA AY ISANG MASISTEMANG BALANGKAS

-binubuo ng makabuluhang tunog na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makakalikha ng mga salita ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may straktur na may pagkakahulugan sa paggamit ng wika.  

a. Ponolohiya- pag-aaral ng ponema; ang ponema tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. kung pagsasama-samahin ay makakabuo ng salita.

           hal. /a/,/l/,/p/,/p/,/e/  kapag isinaayos ay makakabuo ng salitang papel 

b. Morpolohiya- pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa wikang Filipino ito ay may tatlong uri:

    Salitang-ugat- lakad, lalaki, upo, inom

    Panlapi- mag-,in-, um-, -an/ -han 

    Ponema- a 

c. Sintaksis- pag-aaral ng sintaks; ang sintaks ay pormasyon ng mga pangungusap. Sa wikang Filipino maaaring mauna ang panaguri sa paksa at posibleng namang pagbalitarin.

    hal.  Maganda ang batang babae.

                   Ang batang babae ay maganda.        

d. Semantika- pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap. Ang ang salitang bumabagay sa iba pang salita ay nagiging malinaw ang nais ipahayag.

           hal. Inakyat niya ang puno.

                 Umakyat siya sa puno.

    2.ANG WIKA AY BINUBUO NG MGA TUNOG

 - sa paggamit ng mabuting wika, pinagsasama-sama ang binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.

    3. ANG WIKA AY ARBITRARYO

-lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Kung hindi maintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugang na hindi siya bahagi o kabilang sa kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung aaralin niya at mauunawaan ito ay nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

    4. ANG WIKA AY MAY KAKANYANAN

-ang lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksyon, at istrukturang panggramatika . May isang komon na katangian ang wika sa ibang wika samantalang may katangian na natatangi sa bawat wika.

    5. ANG WIKA AY BUHAY NA DINAMIKO

-ang patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. nababago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag sa leksyon ng isang wika.

    6. LAHAT NG WIKA AY NANGHIHIRAM 

-humihiram ang wika ng ponema at morfema sa ibang wika kaya't patuloy na umuunlad.

    7. ANG WIKA AT KULTURA AY MAGKABUHOL AT HINDI MAAARING PAGHIWALAYIN

-may pagkakataon na kinakailangang manghiram ng salita sa ibang wika sapagkat hindi komon sa kultura ang wikang patutunguhan.

    8. ANG WIKA AY BAHAGI NG KARAMIHANG ANYO/URI NG KOMUNIKASYON.