Lunes, Oktubre 24, 2022

ANG KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO (buod)

 

1897 - Saligang Batas ng Biak na Bato, wikang Tagalog ang opisyal na wika
 
1901 - Saligang Batas Bilang 74, wikang Ingles ang gagamiting wikang panturo. Ayon sa Monroe Education Survey Commission naging mahirap ang pagtuturo ng Ingles
 
1931 - Saligang Batas 577, wikang bernakular ang gagamitin bilang panturo
 
1935 - Artikulo 14, Seksyon 3 ng 1935, pagkakaroon ng wikang pambansa
 
1936 - itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian ng Wika upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."
 
1937 - Pagpili ng wikang Pambansa
Walong rehiyon na pinagbasehan ng pagpili ng wikang pambansa:
1. Waray                6. Hiligaynon
2. Tagalog              7. Kapampangan
3. Bikolano            8. Pangasinense
4. Ilokano
5. Cebuano
 
Disyembre 30, 1937 - wikang Tagalog ang napiling wikang pambansa
-sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa."
 
1940 - Sa bisa ng Batas Komonwealth Bilang 570, ipinahayag na wikang opisyal ang wikang Pambansa.
 
Hulyo 4, 1946 - Tagalog ang opisyal na wika na gagamitin sa pakikipagtransaksyon
 
1954 - Proklamasyon Bilang 12 ng 1954 ni Pangulong Ramon Magsaysay
- ang pagdiriwang ng Linggo ng wika ay mula  Marso 29-Abril 4 bilang paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas
 
- Proklamasyon Bilang 1041 ni Pangulong Fidel Ramos, naging Agosto ang pagdiriwang ng buwan ng wika
 
1959 - Kautusang Blg.7 ang Wikang pambansa ay tatawaging Pilipino na ipinalabas ng Kalihim na si Jose Romero
 
1976 - Ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos na ang mga gusali ay ipapangalan sa mga Pilipino
 
1970 - Wikang Filipino bilang panturo

1973 - 1973 Konstitusyon sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3, kapanahunan ni Pangulong Ferdinand Marcos
“ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas."
 
1974 - Bilingguwal na Edukasyon
Patakarang Bilingguwal ng 1974 - ang mga asignatura sa elementarya at sekondarya ay hinati upang ang isang pangkat ay ituro sa Filipino at ang kalahati ay sa wikang Ingles.
 
1978 - pagkakaroon ng 6 na unit sa tersyarya
 
1987 - Saligang Batas ng 1987 Artikulo Seksyon 6-7
6- Ang wikang Pambansa ay Filipino na nililinang ng dayalekto
7- Walang magiging wikang Pambansa maliban sa wikang Filipino hanggat walang sinasaad ang batas.

Linggo, Oktubre 23, 2022

ANG NOBELANG PILIPINO


    Nobela

akdang pampanitikan na nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo at nahahati ito sa mga kabanata. Naglalahad ang nobela ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas. Ito ay tinatawag din sa wikang Tagalog na Kathambuhay. “Katha” sapagkat likha ng panulat at “buhay” dahil ang mga kasaysayang isinalaysay ay gawa ng isip na hango sa pangyayari sa tunay na buhay.

Elemento ng Nobela:

1.Tagpuan – lugar at panahon na pinangyarihan ng kuwento

2.Tauhan – nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela

3.Banghay – pagkasunod-sunod na pangyayari

4.Pananaw – panauhang ginamit ng may-akda sa nobela

a.       Una – kasali ang may-akda sa kuwento

b.       Pangalawa – ang may-akda ay nakikipag-usap

c.       Pangatlo – batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

5. Tema – paksang-diwa na binibigyan ng diin sa nobela

6. Damdamin – nagbibigay kulay sa pangyayari

7. Pamamaraan – istilo ng maunulat

8. Pananalita – diyalogong ginagamit sa nobela

9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa mga tauhan, bagay o pangyayarihan ng kuwento

Mga Uri ng Nobela:

1. Nobelang Romansa – ukol sa pag-iibigan

2. Kasaysayan – nobelang binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na.

3. Nobelang Masining – paglalarawan sa katangian ng tauhan at pagkasunod-sunod ng mga pangyayari na ikinawiwili ng mga mambabasa.

4. Layunin – ang pokus ng nobela ay ang mga layunin at mga simulain na mahalaga sa buhay ng tao

5. Nobelang Banghay – isang akda nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang kinawiwili ng mga mambabasa

6. Nobelang Tauhan – binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng mga pangunahing tauhan, mithiin, sitwasyon at pangangailangan sa storya.

7. Nobelang Pagbabago – ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng buhay o sistema mapalipunan man o sa sarili.

Sangkap ng Nobela:

✔ Kasaysayan o Kuwento – Paglalahad ng pangyayari na magbubukas sa kamalayan ng mga mambabasa sa mga naganap sa isang tiyak na panahon.

✔ Isang Pag-aaral – ang nilalaman nito ay nangangailangan ng masusing pagmamasid sa kapaligiran at pananaliksik sa napiling paksa ng akda

✔ Paggamit ng Imahinasyon – nakakatulong upang mapalutang ang kasiningan ng isang nobela at natutuklasan ng manunulat ang kanyang sariling istilo sa pagsulat sa pamamagitan ng malawak na imahinasyon.

✔ Kawilihan – kinakailangan na sa simula pa lamang ay makuha na ang atensyon ng mambabasa upang sa gayon ay mapanatili ang kanilang kawilihan sa pagbasa ng nobela. Nagbubukas din ito sa mambabasa ng masigasig na isipan.

Balangkas ng Nobela:

Kumbensyunal o Linear – ang balangkas ng kuwento ay sumusunod sa kaayusang (Simula-Gitna-Wakas). Nalalaman ang wakas ng kuwento sa pagbasa pa lamang ng simula nito.

✅ Paikot-ikot o Circular – sa pamamagitan ng pampanitikang teknik ay napagiiba-iba ang ayos kaayusan ng mga bahagi. Maaaring magsimula ang kuwento sa (Gitna-Simula-Wakas) o kaya naman ay (Wakas-Simula-Gitna). Kung hindi babasahing mabuti ay malilito sapagkat hindi malalaman ay kapupuntahan ng nobela.


Miyerkules, Oktubre 5, 2022

BAHAGI AT ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO

 

Bahagi ng Maikling Kuwento

  1. Simula - dito matatagpuan ang tauhan, tagpuan at suliranin ng kuwento. Ipinakikilala ang mga tauhang magsisiganap at ang kanilang papel na gagampanan. Maaring pangunahing tauhan, kontrabida o suportang tauhan sa storya. Nakasaad sa tagpuan ang pinangyarihan ng aksyon at panahon kung kailan naganap ang kuwento. Sa bahagi ng suliranin mababasa ang problema na kakaharapin ng mga tauhan.
  2. Gitna - binubuo ng panggitnang bahagi ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan. Makikita ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang na masasangkot sa suliranin. Kababasahan ng pakikipagtunggali ng tauhan na maaaring laban sa kapwa, kalikasan o sa sarili. Ang kasukdulan na pinakamadulang bahagi, dito malalaman kung makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang pinaglalaban.
  3. Wakas - binubuo ng kakalasan at katapusan, dito nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa kasukdulan. Ito ang bahagi na kababasahan ng resolusyon ng kuwento, maaaring masaya ito o malungkot. Kung minsan ang wakas ng kuwento ay hindi kababasahan ng kakalasan o katapusan, hinahayaan ng may-akda ng kuwento na ang mambabasa ang gumawa ng kahihinatnan ng storya. Sila ang huhusga o hahatol sa magiging wakas ng kuwento ng mga tauhan sa kuwento.
Elemento ng Maikling Kuwento
  1. Panimula - dito pinakikilala ang mga ibang tauhan na magsisipagganap sa kuwento. Nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa sa panimulang bahagi kaya't kinakailangang itong makapukaw sa atensyon ng mga babasa.
  2. Tauhan - ang mga magsisipagganap sa kuwento
  3. Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinagganapan ng mga askyon o insidente at ang panahon kung nangyari ang kuwento.
  4. Suliranin - ito ang problemang kakaharapin ng mga tauhan.
  5. Saglit na Kasiglahan - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan na masasangkot sa suliranin
  6. Tunggalian - Ang naglalabang pwersa sa kuwento. (May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan at tao laban sa kalikasan o kapaligiran.)
  7. Kasukdulan - malalaman kung makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang pinaglalaban.
  8. Kakalasan - tulay sa wakas ng kuwento
  9. Resolusyon - kahihinatnan ng storya, maaring masaya, malungkot, pagkatalo o pagkapanalo ng pangunahing tauhan.
  10. Paksang diwa - pinaka-kaluluwa ng maikling kuwento
  11. Kaisipan - mensahe ng kuwento
  12. Banghay - ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayayari.

Lunes, Oktubre 3, 2022

PINAG-UGATAN, MGA URI AT KAHULUGAN NG MAIKLING KUWENTO

 
Kahulugan ng Maikling Kuwento 
  • maikling katha na nagsasalaysay ng pangaraw-araw na buhay may tauhan, pangyayari at isang kakintalan.
  • Isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at bungang-isip na hango sa tunay na pangyayari sa buhay na nagpapakita ng isang makabulugang bahagi ng buhay ng tao -Edgar Allan Poe ( Ama ng Maikling Kuwento)
Pinag-ugatan ng Maikling Kuwento
  1. Mitolohiya - salaysay tungkol sa ibat-ibang diyos na pinaniniwalaan ng sinaunang katutubo nananalig at naniniwala sa mga anito. Kwento sa pinagmulan ng daigdig, diyos at diyosa at mahihiwagang likha.
  2. Alamat - salaysay sa pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari atbp na pinalulutang din ang aral sa buhay.
  3. Pabula - kuwento na ang pangunahing tauhan ay mga hayop. Isang kathang-isip ngunit naghahatid ng mahahalagang mensahe at aral sa buhay.
  4. Parabula - salaysay na hango sa Bibliya, tungkol sa moral at ispiritwal na pamumuhay ng mga tao na ang paglalahad ay patalinhaga.
  5. Kuwentong Bayan - salaysay tungkol sa pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin, at kultura ng isang lipi.
  6. Anekdota - nagsasalaysay ng isang pangyayaring katawa-tawa sa buhay ng isang kilalang tao na kapupulutan ng mga aral sa buhay.
Uri ng Maikling Kuwento
  1. Kuwentong Tauhan - Ang pokus ng kuwento ay nasa pangunahing tauhan o mga tauhang nagsisipagganap. Inilalarawan ang pangyayaring pangkaugalian upang lubos na maunawaan ng mambabasa ang kabuuan ng kuwento.
  2. Kuwentong Katutubong Kulay - Ang tuon ng kuwento ay tungkol sa pinangyarihan, kaugalian, pananamit at hanap buhay ng mga tauhan sa nasabing pook.
  3. Kuwentong Katatawanan - layunin ng kuwentong ito na magpatawa at bigyang-aliw ang mambabasa.
  4. Kuwentong Sikolohikal - Uri ng kuwento na inilalarawan ang pag-iisip ng isang tao o ng tauhan upang maipadama sa mambabasa ang damdamin sa harap ng isang pangyayari.
  5. Kuwentong Science Fiction - mula sa mayamang imahinasyon ng manunulat na ang mga tauhan ay may suliraning makakaharap na may mapapanghawakang maka-agham na paniniwala.