Miyerkules, Hulyo 6, 2022

BARAYTI NG WIKA


 1. DAYALEK

  • mga salita o paraan ng pananalita ng tao ayon sa kanilang lokasyon heograpikal
  • ginagamit sa isang partikular na pook o lugar
  • unang wikang nakagisnan sa ating tahanan
Tatlong uri ng Dayalek:
1. Dayalektong Sosyal- nagkakaroon ng antas ang salita ayon sa kalagayan sa buhay o katayuan sa trabaho o lipunan  ng isang tao.

hal. Ibat-ibang katawagan ng salitang kotse sa wikang Tagalog:

       ✔kotse 

       ✔oto 

       ✔ tsekot 

2. Diskretong Dayalek- nakakaapekto ang uri ng lokasyon o heograpiya ng isang lugar sa paggamit ng wika.

 hal. Salitang langgam sa wikang Tagalog at Cebuano:

        ✔ Tagalog- ang langgam ay isang insektong may anim na paa

        ✔ Cebuano- katawagan sa ibon

3. Dayalektal na Baryasyon- may lugar na pareho ang wikang sinasalita ngunit nagkakaiba sa paraan ng pagbigkas. Nagkakaiba sa aksent, punto, o tono ng pagbigkas ng salita.

hal. Ang mga taga Quezon ay gumagamit ng salitang "baga" sa kanilang Tagalog, habang ang mga BatangueƱo naman ay may matigas na pagbigkas at diin sa mga salitang kanilang ginagamit.

2. ETNOLEK

  • wikang ginagamit ng mga katutubo
  • Etnolinggwistikang Grupo- tawag sa mga taong may halos pare-parehong pananaw at kultura sa buhay. Sila ang grupo ng indibidwal na di nakakaintindi ng ibang uri ng wika, maliban sa kanilang sariling dayalekto na kanilang nakagisnan.
    Mga Batayan ng Paghahati:

        ✔ Wika

        ✔ Kultura o sistema ng pamumuhay

        ✔ Rehiyon( gawi, tradisyon, ritwal)

    Dalawang Uri ng Wikang Etnolek:

 - Tonal (Chinese, Niponggo, Tibetiians, Burmese, Vietnamese)

 - Stress o Non-Tonal Language (Cham, Khmer, Tagalog, Javanese)

3. SOSYOLEK

  •  ginagamit ng isang partikular na propesyon o ng anumang pangkat na kinabibilangan ng mga iba’t ibang indibidwal.
Mga wikang Sosyolek:

 a. Wika ng Beki o Gay Lingo- grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan

        ✔ hal. charot- joke lang

b. Conyospeak- baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino

        ✔ hal. Let's eat na ngayon!

c. Jologs o Jejemon- nagmula sa salitang “jejeje” na isang paraan ng pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang Hapon na “pokemon”. Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghaha-halong numero, simbolo, malaki at maliit na titik. Tinatawag ding jejetyping.

        ✔ hal. I miss you – “iMisqcKyuH”

d. Jargon- natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat at may pagkakilala sa kanilang trabaho o gawain.

        ✔ hal. LP (Lesson Plan) - Guro

4. EKOLEK

  • mother tongue, unang wika, inang wika
  • tumutukoy sa mga salita, kataga o pariralang ginagamit ng bawat miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan
✔ hal. Nanay ➡ mom➡ inay ➡ nanay ➡ mudra ➡ mamshie

5. PIDGIN

  • pinadaling paraan ng komunikasyon sa gramatika na bubuo sa pagitan ng dalawa o higit pang mga pangkat na walang lenggwahe na karaniwang nakuha sa maraming wika  
  • maaaring itayo sa maraming wika 
  • makeshift language- ginagamit ng dalawang taong hindi pareho ang wika upang magpatuloy ang kanilang komunikasyon
  • karaniwang ginagamit sa kalakalan na may magkaibang gamit ng wika
  • nobody's native language
✔ hal. Ikaw bayad muna bago utang ( Magbayad ka muna ng utang mo bago ka umutang ulit.)

6. CREOLE
  • unang naging pidgin at kalauna'y naging native o matatag na natural na wika
  • Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng isang pare-pareho na sistema ng grammar, nagtataglay ng malalaki at matatag na bokabularyo at nakuha ng mga bata bilang kanilang katutubong wika.
Creolistic o Creology – ito ay pag-aaral ng mga wikang creole at tulad nito ay isang subfield ng linguistics. 
Creolist- ito naman ang taong nakikilahok sa pag-aaral ng creole
hal. Yu ting yu wan, a? – akala mo espesyal ka o ano?

7. REGISTER
  • wikang espesyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn na may tiyak na pagpapakahulugan o isang teknikal na lipon ng mga salita sa isang larangan o disiplina.
    Halimbawa: virus - sa agham/ teknolohiya malware o software na nakakasira ng sistema ng kompyuter at sa medisina naman ay maliit na organismo na nakapagdudulot ng sakit.
       




Walang komento: