KATUTURAN NG WIKA
- Gleason (1983) - masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo.
- Hill (1976)- pinakaelaboreyt na anyong simbolikong gawaing pantao.
- Webster (1974)- sistema ng komunikasyon sa pagitan ng tao sa anyong pasalita, pasulat o simbulo.
PANANAW SA WIKA
- Jose Rizal- ang wika ay kaisipan ng mamamayan.
- Abadilla, Bayani (2002)- malaki ang nagagawa ng wika sa paghugis ng kamalayan .
- David (1999)- walang matayog mahirap at abstraktong kaisipan na hindi maaaring ihayag sa sariling wika.
- Austero et.al (2008)- galing sa binuong kahulugan o larawan ng kapaligiran ang mga salitang binibitawan.
- Wardhaugh (1968), Nielsen (1990)- ang wika ay nakabatay sa kasarian.
- Hudson (1967)- ang wika ay nakabatay sa karaniwang kasarian.
- Bemstein (1971)- nakabatay sa gamit ng lipunan.
KAHALAGAHAN NG WIKA
👉instrumento ng komunikasyon
👉nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalama
👉nagbubuklod ng bansa
👉lumilinang ng malikhaing pag-iisip
TUNGKULIN NG WIKA
- Interaksyunal- nakapagpanatili/ nakapagpapatatag ng relasyong sosyal
- Instrumental- tumutugon sa pangangailangan
- Regulatori- kumukontrol at gumagabay sa kilos ng iba
- Personal- nakapagpahayag ng sariling damdamin o opinyon
- Imahinatibo- nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan
- Heuristik- naghahanap ng impormasyon
- Impormatib- nagbibigay ng impormasyon
TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA
a. Teoryang Siyentipiko:
1. Teoryang Bow-wow - nagmula ang wika sa panggagaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan.2. Teoryang Pooh-pooh - nalikha bunga ng mga masidhing damdamin ng tao gaya ng sakit, tuwa, sarap, takot, pagkabigla atbp.3. Teoryang Yo-he-ho - nagmula sa pwersang pisikal ng tao.4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay - nag-ugat sa mga tunog na nililikha ng mga tao sa kanilang ritwal.5. Toeryang Tata - nagmula sa panggagaya ng dila sa kumpas o galaw ng kamay ng tao.6. Teoryang ding-dong- nagmula sa panggagaya ng mga tao sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay sa kalikasan at maging ang mga bagay na likha ng tao.7. Teoryang Yum-yum - nagmula ang wika sa tunog na nalilikha kapag kumakalam ang sikmura ng tao.
b. Teoryang Biblikal:
Biblikal na Pananaw- ang wika ay kalooban ng Diyos at ang pagkakaiba ng wika ay isinalaysay sa Kuwento ng Tore ng Babel.Teoryang Pentecostes- nagmula sa pagsanib ng espiritu sa kaluluwa; may isang bolang apoy na bumaba sa lupa at ito ay ang espiritu na sumanib sa mga tao at biglang nawala sila ng malay, pagkagising ay nagkaroon na ng ibat-ibang wika.
Tatlong Hari na Nag-eksperimento ng Wika:
1. Haring Psamtik ng Ehipto-nagpatawag ng nagpapastol at ipinadala ang isang sanggol sa pastolan-unang naisalita ng bata ay ang "beco"- o sa Turkey ay (becos) o tinapay-becko (bubbling) paglalaro lamang ng labi2. Haring Frederick ng Roma-nagpatawag ng babae, nagpadala ng sanggol at pumunta sa isang lugar na walang tunog at pinagbawal na magsalita ang babae.3. Haring James IV ng Scotland-nagpatawag ng babae at 2 sanggol, pinapunta sa isang isla at doon ay pinagamit na ng wikang Hebreo.-natutunan ng 2 bata ang wikang Hebreo